Chatters-Existency
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

too late to love him....

Go down

too late to love him.... Empty too late to love him....

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Sun Oct 11, 2009 7:59 pm

June afternoon, katatapos lamang ng klase ng grade six students na hawak ni Beatrice Alfonso, ang bagong guro na naasign sa public school na iyon. Abala ang
guro sa pag aayos ng lesson niya for the next day nang biglang pumasok ang lalaking ito..

"Hi ma'am, maglinis lang po ako..." sabi ng janitor. Nabigla ang guro..napakaguwapo ng kaharap niya..yun nga lamang ay "janitor ito"..

"Bago po kayo dito, ako po si Sam". Mistisuhin si Sam, may taas na 5'8 at maganda ang pangangatawan. Nailang ang guro sa inasal ng binata. "Yes...pakibilisan na lang
ang paglilinis..." Tumango lang ang binata.

Pauwi ay tinanong ni Beatrice kung sino ang lalaking iyon sa co teacher niyang si Pia.."ah yun ba, si Sam yun..guwapo nga yun...bakit crush mo ba siya?"Pilyang tanong nito. "Hindi ah, napipreskuhan lang ako sa kanya" Pagkakaila pa ng una. "Hmm, if i know, you wouldnt ask
if it doesnt bother you..well...alam mo ba tatlong teachers na ang naging gf niyan?" Nagulat si Beatrice, "Ano? Target pala niya ang mga teachers ano? At bakit naman sila nagpauto?'
"Paano nga ay guwapo at mabait rin naman si Sam. Alam mo ba anak yan ng amerikano nung nakatira pa sila sa Subic, yun nga lang iniwan silang mag ina" Di na inintindi
pa ni Beatrice ang kasunod na sinabi ng kasama.

Nang sumunod na araw ay nagkita na naman sina Sam at Beatrice sa school cafeteria..
"Good morning ma'am" Bati ng binata. Ngumiti lang si Beatrice."Ma'am, my name is Sam...."
"Hindi ko tinatanong..." Nagulat si Sam. "Pasensya na po..mauna na po ako"
Lihim na nangiti si Beatrice. "Yabang mo kasi eh!' Sambit nito sa sarili.

Magmula noon ay tahimik na si Sam kapag nakikita niya ang guro.

Isang araw..

"Uy, Bea! kalat na sa school na nanliligaw sa iyo si Sam .." bungad ni Pia nang nasa faculty room sila.
"Ano ka ba naman, Pia, kapapasok mo lang iyan kaagad ang balita mo? At saan mo naman nadampot iyang balita na yan..di totoo yan! In fact, pinagsabihan ko pa nga siya...."
"So...you did have an encounter with him already..well..ano ba ang chances?"
"Ano ba kayo..hindi ko type ang lalaking iyon".

Sa classroom...

"Ma'am, crush po pala kayo ni Kuya Sam..." biro ng isang batang babae...nasa grade six na ang mga ito. "uuuuyyyyyyyyyyyyyyyyy" sabayang kantiyaw nila.

"Mga bata pa kayo ha, alam ninyo na yan.."

"Mabait po si kuya Sam, ma'am..sabad ng isang estudyanteng lalaki"

"Pero, teacher si ma'am, janitor lang siya" sabi naman ng isang batang babae na may pagkamataray.

Tawanan at kantiyawan.

"Class, tama na yan. Let's go back to our lecture.."

Lumipas ang araw, linggo at buwan, nawala ang issue tungkol kina Sam at Beatrice. Dahil na rin sa pagtanggi ng dalaga at nahiya na rin si Sam. Hanggang sa...

"Ma'am sunduin ko na po si Lea...anang isang sundo para sa isang estudyante"
"Lea, andiyan nang sundo mo..o ingat kayo ha, malakas ang ulan!" Bilin ni Beatrice.
"Yes ma'am"tugon ng bata.

Mag isa na lamang si Beatrice sa classroom, ginawa muna nito ang lesson plan for next week, mabuti na lamang at weekend noon...lumipas pa ang ilang oras...at magdidilim na. Malakas pa rin ang ulan. Hindi kakayanin ng dalang payong ni Beatrice ang lakas ng buhos nito. Natanawan niya si Sam sa corridor.

"Naku, andito pa pala ito..mabuti na lang..magpahatid kaya ako?" biglang bawi ang dalaga "Huwag na baka isipin niya kailangan ko siya ngayon.." Naghintay pa ito ng ilang minuto. Maya maya pa ay lumapit na si Sam sa kanya.."Ma'am ginabi po kayo...wala po ba kayong sundo?"
"Aha at ang presko talagang magtanong, ano?" sambit nito sa sarili. Ngumiti lang si Beatrice kahit naiinis.
"Mabuti pa ma'am ay ihatid ko na kayo. Tutal dala ko po yung school service, hindi dinala ng principal dahil uuwi daw siya ng Mindoro". Maganda ang offer ng binata.

Napapayag din ni Sam ang dalaga sa wakas.

TO BE CONTINUED
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

too late to love him.... Empty Re: too late to love him....

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Sun Oct 11, 2009 8:01 pm

..Continuation


Inihatid ni Sam ang dalaga sa apartment na tinutuluyan nito. Pagkababa ng huli.

"Marunong ka palang magdrive...bakit di ka na lang magdriver?"

Ngumiti si Sam. "Bakit turn on ba sa inyo ma'am ang magdrive?"

Napakunot ang noo ni Beatrice...sige..diyan ka na..salamat. Nangiti pa rin si Sam at umiling.

Lumipas pa ang ilang araw, linggo at buwan...

Tapos na ang klase at dapit hapon na ay nasa classroom pa rin si Beatrice. Tila may hinahanap ito at di makita. Nagkataon naman na papunta noon si Sam para mag check ng classroom bago umuwi.

"Ma'am, may hinahanap po ba kayo?"

Hindi na maikubli ni Beatrice ang pagkainis.."nawawala kasi ang cellphone ko. May magagawa ka ba?"

Napaatras si Sam. Ganunpaman, "sige ma'am tutulungan ko po kayo"

Pasado alas-7 na ng gabi, di pa rin makita ng dalawa ang cellphone ng dalaga. "Ma'am kung gusto mo, para di ka mainis, ibibili na lang kita ng Cellphone."

"ano? gagawin mo yun? hindi mo kailangang bumili."

"Basta wag ka lang malungkot o mainis. Mas maganda pa diyan ang ipapalit ko. Siguro ma'am, mabuti pa ay ihatid ko na kayo sa apartment ninyo".

Sumunod naman si Beatrice. Ngunit di siya umasa na papalitan iyon ni Sam. Ano naman ang ipambibili noon?

Makalipas ang isang linggo...

"Ms Beatice Alfonso?" ...

"Yes, ako nga..why?"

"Package po para sa inyo" sabi ng lalaki mula sa shippng company

"Huh?" pinirmahan niya ang dokumento at nagpasalamat.

Breaktime ng mga oras na iyon kaya wala ang mga bata.

"Cellphone? at may cam and video pa? Galing kay Sam?"

Si Sam noon ay umuwi ng Legazpi. May note na kalakip ng package.

"Ma'am, may sim na ito at narito na rin ang number ko. Sana po ay matuwa kayo"

"At anong akala ng Sam na ito? Mabibili niya ako?" inis p a rin si Beatrice

"Hindi naman, ikaw talaga...binigyan ka na nga ng cellphone nagwawala ka pa rin diyan" si Pia.

"Para kasing binibili niya ako eh".

"Hindi naman siguro ganun, nakikipagkaibigan lang siguro yung tao."

Malapit na ang pasko noon, inis pa rin si Beatrice sa binata. Hanggang sa.."

Pauwi noon si Beatrice nang may humarang na sasakyan sa daraanan niya..

"aba't hoy! anong gusto mong palabasin?"

ibinaba ng lalaking sakay nito ang salamin, "hi miss..."

"nananadya ka ba?"

"hindi naman...ako nga pala si Waldo....gusto lang kitang makilala"

Si Waldo ang pamangkin ng konsehal sa distrito na iyon. Palibhasa ay maimpluwensiya at maykaya, napakapresko ng asal nito lalo na sa mga babae.

Mula noon ay lagi nang inaabangan ni Waldo si Beatrice.

"makibagay ka na lang, Beatrice..malaki ang naitulong ni Konsehal Lopez sa distritong ito lalo na sa eskwela natin."tukoy ng principal ang tiyuhin ni Waldo...

"ma'am, para ko naman pong isinugal ang sarili ko masiyahan lang siya. Hindi bale sana kung maayos siyang nakikipagkaibigan eh hindi naman...lagi pang sapilitan"

"Beatrice, bawasan mo ang pagkamataray mo..hindi yan makatutulong sa iyo" huling salita ng Principal.

Nakarating kay Sam ang pangyayari.

"Huwag kang magalala Beatrice, sa oras na gawan ka niya ng masama, nandito lang ako para ipagtanggol ka". Doon ay lihim na humanga ang dalaga sa sinambit nito.

"Salamat nga pala sa cellphone na binigay mo..wag kang magalala..para makabawi ka. ..hulug hulugan ko na lang ang pagbayad"

"Sinabi ko bang bayaran mo yun? Para sayo nga iyon"

"Alam mo Sam, ayoko kasi ng tumatanggap ng mga bagay na libre...kaya pabayaan mong bayaran ko iyon..magkano ba iyon?"

"Bahala ka kung magkano mo gustong bayaran"

"I want the amount, the exact figure"

Nag isip si Sam.."nasa bahay pa yung resibo..ipakikita ko sayo". Pabiro nitong tugon.

Sa bandang huli ay nakuha rin ni Sam ang loob ng dalaga...at naging magkaibigan rin sila.

"Sino ba itong kumag na ito na sunud ng sunod sa yo?" Tanong ni Waldo..kasama ang mga barkada nito na sakay ng Ford expedition.

"Kaibigan ko siya" sagot ni Beatrice

"Nakikipagkaibigan ka sa Janitor?Bakit? Nandito naman ako para sayo kung gusto mo ng kasama. Ano naman ang mapapala mo diyan sa lalaking iyan?"

Gusto nang patulan ni Sam ang lalaki ngunit nagtitimpi ito dahil sa kaibigan.

"Tama na Waldo, nagmamadali kami"

"Puwes, ihahatid kita." Binuksan nito ang pinto ng sasakyan.

"Hindi na..marami pa kaming pupuntahan." Iniwan nila ang grupo ni Waldo.

"Boss, ok lang sayo yun pinahiya ka...." pang aasar ng isang kasama nito.

"Kung ako yun di ako papayag.." sabad pa ng isa.

Tumahimik si Waldo..."pagbibigyan ko sila ngayon..."

Christmas party sa school noon..

"Ma'am puede ba kitang mayayang lumabas, sige na ma'am, pasko naman eh"

"Pag isipan ko Sam." nakangiti si Beatrice.

"Uy, papayag na yan. ...sige na..pls."

Dinala ni Sam si Beatrice sa park...

"Dito tahimik, di ba ma'am?"

Tumango lang ito.

"O, bakit malungkot ka?"

"Na miss ko lang ang family ko sa Cebu..."

"Ganun ba, dito naman ako...."biro naman ni Sam. "siyangapala, may gift ako sayo..sana magustuhan mo" inabot ni Sam ang regalo.

"Ano na naman ito?"

"Anong na naman? Ngayon lang naman ako nagbigay ng gift ah...kasi binabayaran mo naman yung cellphone."

Silver necklace ang niregalo ni Sam sa dalaga.

"Salamat"

TO BE CONTINUED...
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

too late to love him.... Empty Re: too late to love him....

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Sun Oct 11, 2009 8:02 pm

...Last page


Katatapos lamang ng Christmas party noon ng mga bata....tinulungan ni Sam si Beatrice na mag ayos ng classroom bago umuwi.

"Saan ka naman magpapasko, Sam"

"Kung saan mayaya ng mga kaibigan..dun ako..baka kay Ka Berto sa Tiaong" tukoy nito ang punong Janitor ng paaralan.

"Duon ka ba lagi pag may okasyon?"

"Para kasing pamilya na ang turing sa akin ni Ka Berto eh..at kaibigan ko rin ang anak niyang si Rose...yung dalaga."

Natahimik si Beatrice.

"Bakit ma'am gusto ninyo po bang sumama? Naisip ko lang baka mainip ka sa apartment mo"

"No thanks,"

"Mahirap naman yung magmumukmok ka lang sa bahay..tapos nasa Cebu ang family mo..mabuti pa kaya ma'am ay sumama ka?"

"Hindi...baka ayain ako ni Pia somewhere..."

Nagsimula ang Christmas vacation. Hapon noon..

"Hi, Beatrice" si Waldo ang nasa pintuan.

"Bakit nandito ka? Hindi naman kita inimbita or pinapunta dito" pagmamatigas ni Beatrice.

"Aba't ang suplada nito? Sino bang pinagmamalaki mo yung janitor mo?"

"Mas gugustuhin ko naman ang janitor kaysa mayamang kaparis mo na walang magandang asal!"

Hinila ni Waldo si Beatrice ngunit nagpumiglas ang dalaga.

Mabuti na lamang ay papunta noon si Sam upang dalawin ang kaibigan.

"Hmph, bahala na...kung ano ang isipin niya ang mahalaga..dinalaw ko siya.."

Maya maya pa ay malapit na sa apartment ang binata ng matanawan niya ang sasakyan..dahan dahan itong lumapit.

Narinig nito mula sa loob na nagtatalo sina Waldo at Beatrice. Hindi nag atubili ang binata na pumasok sa loob ng apartment. Dumaan siya sa bintana.

"Tigilan ninyo siya!" sigaw ni Sam..

"Pakialamero ka talaga!" si Waldo

"Sam..tulungan mo ako!"

Agad pinigilan si Sam ng dalawang kasama ni Waldo, bukod pa dun sa kasama nitong hawak si Beatrice.

Noon ay nagpang abot ang mga kasama ni Waldo at si Sam...tuluyang nagapi ng binata ang mga kasama ng una...

"Lumaban ka ng patas, Waldo!" Noon din ay nagpang abot ang dalawa, ngunit di nagdalawang isip ang isang kasama ni Waldo..may dala itong patalim at inundayan ng saksak si Sam. Nakuha pa ring lumaban ni Sam ngunit patuloy siyang inundayan ng saksak mula sa patalim.

"Sam!!!"

Nalitong umalis ang grupo..noon ay nagdatingan ang mga kapitbahay na nakarinig ng gulo.

"Tulungan ninyo kami!" luhaang sigaw ni Beatrice.

Agad tumulong ang mga kapitbahay at dinala si Sam sa ospital.

Sinawing palad si Sam..hindi na nito nakuha pang umabot ng buhay sa ospital..

Takot ang naramdaman ni Beatrice. Agad niyang tinawagan si Pia.

"Mabuti pa ay tawagan natin sa Ka Berto, yun ang nagmamalasakit kay Sam".


Linggo ng hapon, naiwan sina Pia, Beatrice at Ka Berto sa tapat ng puntod ni Sam, inihatid na nila si Sam sa huling hantungan nito.

"Bakit kailangan pang mangyari ito bago ko malaman na handa niyang ilaan ang buhay para sa akin? Kasalanan ko ang lahat" sisi ni Beatrice sa sarili.

"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo, hindi mo rin naman ginusto ang nangyari..at alam ko na kahit wala na si Sam, masaya pa rin siya dahil alam niyang ligtas ka" Pag aalo ni Pia sa kaibigan.

"Bakit niya ba ako minahal ng ganun?"

Sumagot si Ka Berto "alam mo ba kung saang pamilya galing yan si Sam? Nasa Europa na ang pamilya niyan at siya lang ang umuwi dito. Katiwala ako ng dati nilang hacienda sa Legaspi. Ang inuuwian niya roon ay ang iba niyang kaanak. Ayaw ni Sam na mamuhay sa America kaya dito siya lumagi. Hindi nakapag tapos ng pag aaral si Sam sa dahilang hindi ko alam. Hindi na rin nakarating ang mga magulang nito at kapatid bago siya ilibing..marahil ay sa susunod na buwan ang dating nila para madalaw ang anak nila"

Ikinagulat nina Pia at Beatrice ang nalaman. Mayaman pala ang pamilya nila Sam. Kung kaya pala kaya nitong magbigay ng kung anu anong bagay at kapansin pansin ang angking hitsura at tindig nito.

"Kaya ka niya minahal ng ganun Beatrice ay dahil sa hindi ka tumitingin sa materyal na bagay, di gaya ng ibang naging girlfriend niya na sinasamantala ang pagiging mapagbigay niya. Kaya siya nagpanggap na mahirap upang makilala niya kung sino ang tunay na magmamahal sa kanya"

Naging aral kay Beatrice ang lahat, na dapat ay maging magiliw siya sa mga lumalapit sa kanya. At di siya dapat tumingin na mas mababa ang isang tao dahil sa kalagayan nito. Gustuhin man niyang mahalin si Sam...ay hindi na mangyayari iyon.

END
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

too late to love him.... Empty Re: too late to love him....

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum