Chatters-Existency
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

All for Love (samantha)

Go down

All for Love (samantha) Empty All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 2:46 am

All for LOVE (Samantha)
Samantha dares it all in the name of LOVE. lalo na pagdating kay Sabrina. and sometimes it pays to be kind, because she met the man of her dreams in the person of Mark. but after offering her best, she's still no good for him. at ang taong natutunan niyang mahalin ay walang kayang idulot sa kanya kundi pagkukunwari at sama ng loob. paano ba maitama ang pag ibig na hindi maganda ang simula?





Chapter 1




"Hi Mark! whats up?" interesadong tanong ni Sabrina ng datnan niya ang bestfriend sa restaurant na madalas niyang puntahan.

masayang masaya ang anyo ni Mark ng hilahin nito ang upuan at alalayang makaupo si Sab.

"iti-treat lang kita"

"really? oh well, what's the good news?" tanong ng dalaga na nahawa na rin sa sigla ni Mark.

lumapit ang waiter at iniabot ang menu.

"what do you wish to have?" tanong ni Mark sa dalaga

"the usual"

"okay" sabi ni Mark at sinabi ang order nila at dinagdagan pa ng iba.

"tell me this will not lead to an execution"

tumawa si Mark. "absolutely not"

"so..." sabi ni Sab

ginagap ni Mark ang isang kamay ni Sab. "thank you so much" he sincerely said.

"for what?" nagtatakang tanong ni Sab

"sinunod ko ang advice mo and i'm so happy i did the right thing"

"what advice?"

"i'm getting married!"

"w--what??? is this some kind of a joke?"

"no! hey, you're supposed to be happy hearing it"

"if you're happy then I'd be happy too! para kanino ka magpapakasal at bakit biglaan naman yata?"
nauutal na tanong ni Sab. mabuti na lang at nakaupo siya, kung hindi baka nabuwal na siya sa pangangalog ng tuhod sa nararamdaman niya.

"kay melissa"

parang bombang sumabog sa harapan ni Sab ang pangalang yon.

"you mean, Melissa. our friend Melissa?"

"yeah, wala ng iba!"

kinuha ni Sab ang basong may lamang tubig at sumimsim. She faked her smile.

"I see. you look so happy. Congratulations!"

"i don't know how to thank you enough"

binawi ni Sab ang isa niyang kamay sa pagkakahawak ni Mark.

"don't mention it. what are friends for?"

inilabas ni Mark ang invitation mula sa coat niya.

"gusto ni melissa ikaw ang maid of honor. siguro naman hindi na namin kailangan pang magpaalam sayo dahil alangan namang tanggihan mo kami"

tumango si Sab at muling ngumiti. binasa niya ang laman ng invitation.

"this will be two weeks from now"

"last month pa namin naplano yan, gusto lang naming sorpresahin ang lahat. oh, bakit parang ayaw mo kumain?"

pinilit ni Sab na galawin ang pagkaing nasa harapan niya. ngunit nag iiba na ang pakiramdam niya. parang babalik ang pagkain.

"what's wrong?" tanong ni Mark

"kilala mo naman ako, hindi ako masyadong makakain kapag nasosorpresa at nae-excite"

"kahit kaunti, pagbigyan mo naman ako. i just can't explain how happy i am. akalain mo ba namang pareho lang pala kami ng nararamdaman sa isa't isa"


kung gaano kasaya si Mark, parang tumigil naman ang mundo ni Sab. kung alam mo lang Mark. asang asa pa naman ako, yon pala ibang kaibigan ang tinutukoy mo. Gusto na niyang umiyak ngunit hinding hindi niya gagawin sa harap ni Mark.


pinilit pa rin ni Sab na sumubo. nang tila hindi na niya matagalan ang sitwasyon ay kinailangan na niyang magdahilan. She strengthened her voice.


"alam mo, may darating akong bisita mamaya, hindi ko lang matanggihan ang ang imbitasyon mo. bilisan mo na ang pagkain at uuwi na ako"

"sige na nga. ihanda mo ang regalo mo ha?" biro pa ni Mark

"ayun, lumabas din ang intention mo" ganti niyang biro.

"ikaw naman...alam mo namang sayo lang kumakapal ang mukha ko"

"sige na, matitiis ba naman kita!" napangiting sabi ni Sab

hindi na rin tinapos ni Mark ang pagkain niya at hinatid ang kaibigan hanggang sa makasakay ito sa car.

"ingat sa pagmamaneho" sbi ni Mark


habang nagmamaneho pauwi ay saka lang tumulo ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ni Sab. How dare you, Mark! how dare you! sana iba na lang ang kinausap mo noon, bakit ako pa?


nasa tapat na ng JLS Building si Sab ng pahirin niya ang mga luha . magmula ng mag asawa na si zen, silang dalawa ng kakambal niyang si Samantha na ang naglalagi roon. wala si Sam. dahil nag shopping. pabagsak na umupo sa sofa si Sab. alam niyang wala siyang karapatang magselos o magalit kay Mark pero hindi niya mapigil ang sariling malungkot. maya maya ang nahagip ng mata niya ang bar. lumapit agad sa bar at nagsalin ng alak sa wineglass.


an hour later ay dumating si Sam. napawi ang saya ng dalaga nang makita niya ang kapatid sa tapat ng bar.


"hey! i have something for you" pagkuha ng attention ni Sab

"thanks" sabi ni Sab nang hindi man lang lumingon sa kapatid.

nag aalalang nilapitan ni Sam si Sab

"Sab.....may problema ka ba?"

tinatablan na ng iniinom niya si Sab. umiyak ito pero hindi pa rin nililingon ang kapatid.

"si mark kasi..."

"whats wrong with Mark?"

"he's getting married to Melissa"

"God! is that true?" hindi rin makapaniwalang tanong ni Sam. "pero bakit ka nagkakaganyan?"

"hindi mo ba naiintindihan? he's special to me. and i felt stupid giving him that d*mn advice!"

"teka, linawin mo nga"

"matagal na yon. he asked for my opinion. kung masama bang magkagusto sa isang kaibigan. ayaw daw niyang sirain ang friendship na matagal ng namamagitan sa kanila. I thought he's referring to me! I felt so stupid!"

nakuha na ni Sam ang ibig sabihin ng kapatid. niyakap niya si Sab. "tama na"

"ang sakit eh! pangalawang beses na to nangyari sa akin"

"hindi pa naman sila kasal dba? bakit di mo ipagtapat kay Mark ang feeling mo sa kanya"

"i can't do that for christ's sake! hindi ko gagawin yon. never!"



hindi na kumibo pa si Sam, hinayaan na lang niyang iyakan ni Sab ang mga balikat niya...
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 2:47 am

Re: All for LOVE (Samantha)
Chapter 2


nag file na ng leave of absence sina Mark at Melissa. isang bagay iyon na ipinagpasalamat ni Sab. mula pa nung high school days ay magkakaibigan na sina Mark, Melissa, Sabrina at Lowell. nang maka graduate ay nagtayo sila ng marketing. they developed special products. later on ay nakikilala na rin ang kalidad ng mga product nila kaya dumami na rin ang mga kumpanyang nagpapasok sa kanila ng mga exclusive designs ng kani-kanilang products. maganda ang teamwork nila. madalas din silang gumigimik na magkakasama. si Sab ang pinakapilya sa grupo at si Mark naman ang pinaka makulit kaya nagkakasundo sila. pero dito na nga kaya magtatapos ang magandang samahan?

pinilit pa ring magtrabaho ni Sab. hindi niya papayagan ang sinuman sa mga kakilala na mahalata ang pagluluksa ng damdamin niya. habang tutok na tutok siya sa mga office works ay biglang tumunog ang cellphone niya. ayaw na sanang sagutin ni Sab pero ng makita niya ang name ni Mark naisip niya na hindi niya hahayaan ang lalaki para paghinalaan siya...

"yes Mark?"

"susunduin kita, after lunch"

"Mark, i'm busy. dalawa na lang kami ni Lowell ang nandito habang on leave kayo, remember?"

" i know but it won't take a lifetime. basta susunduin kita"

pagkasabi nun naputol na ang connection sa pagitan nila ng caller. npahugot ng malalim na hininga ang dalaga.

pagpasok ni Sam sa loob ng unit nila ay madilim na madilim ang paligid. inisip niyang wala pa siguro ang kakambal. ngunit nagulat siya nang buksan ang ilaw at makitang nakaupo lang sa sofa si Sab.

"oh, you're there! bakit hindi mo man lang binubuksan ang ilaw?"

tumayo si Sab.."hinintay lang kita, magaling na kapatid"

"are you mad at me???"

"how dare you!" sabay sampal kay Sam. "bakit mo sinabi kay Mark?"

nangilap ang mga mata ni Sam. "Sab, gusto lang naman kitang tulungan. ayokong nakikita kang depressed"

"so, sa palagay mo ay tulong ang ginawa mo? pinahiya mo ko sa bestfriend ko!"

"bakit ano bang sinabi niya?"

"he's trying to console me. i told him i was just kidding you at hindi ko akalain na seseryosohin mo. why don't you mind your own business, huh?"

napaluha si Sam. "i'm so sorry, i just want you to be happy"

"so, am i happy now? you know it wasnt for you to say. ako lang ang may karapatan na magdesisyon para sa sarili ko. bakit ba lagi mo na lang pinakikialaman ang buhay ko huh?"

"i thought..."

"thats enough. i believe i convinced him"

kaagad na binuksan ni Sab ang kahong nakapatong sa center table. inilabas niya roon ang gown at inihagis kay Sam.

"ikaw ang pumunta sa kasal nila"

"Sab...where are you going?"

"AWAY! magpapalipas ng sama ng loob. i'll be fine. just pretend to be me. and remember you must look very much okay. ayokong lumabas na kawawa, naiintindihan mo?"


hindi na magawang tumanggi ni Sam, nagkamali siya ng akala. "saan ka pupunta at gaano katagal ka mawawala? mahinang tanong ni Sam

"pipilitin kong makabalik kaagad. ayoko ng may makakaalam pa nito. ayokong pati ang iba ay pagtawanan ako. para ka kasing hindi nag iisip"

hinawakan ni Sam ang braso ni Sab. " i realize how stupid i've been but i'm sorry. i really am"

"i didnt say i couldnt forgive you but not now"

nanghihinang napaupo si Sam sa sofa habang nagtungo naman si Sab sa silid niya upang kunin ang gamit na inihanda niya sa pag alis. nang lumabas ito sa silid ay may iniabot siyang kahon kay Sam.

"you'll be needing these"

mga accessories ni Sab ang laman ng box. at alam niyang tama ang kapatid, may mga bagay ngayon na kailangan nilang gamitin para ma extablish ang identity nila. noong bata pa sila medyo chubby si Sab ngunit nang nasa college na ay pumayat din gaya ni Sam. kung pagtatabihin ang dalaga sadyang napakahirap malaman kung sino si Sabrina o Samantha. maging ang mga magulang nila ay nalilito kaya nang magkaisip sila ay pinapili sila ng mga kulay na gusto nila. napagkasunduan ng dalawa na si Sam lang ang magsusuot ng emerald at si Sab rin lang ang magsusuot ng ruby. laging may suot na singsing ang dalawa para sa mabilisang identification.

sa pagkakataong iyon iniwan ni Sab ang mga accessories niya kay Sam ngunit hindi niya kinuha ang sa kapatid. ilang araw lang naman siya mawawala at magpapalipas ng sama ng loob gaya nang sinabi niya sa kapatid. walang kamalay malay ang lahat na si Samantha at hindi si Sabrina ang dumalo sa araw ng kasal nina Mark at Melissa. Three days after ay bumalik na sa Pilipinas si Sab.

"is everything okay?" tanong niya kay Sam

"yeah, wala silang nahalata"

mabuti na lang may sariling negosyo si Sam as a fashion designer. hindi niya kailangang itali ang sarili sa office. sa panahong wala si Sab na iba ang pumapasok doon.

"are you okay now?" lakas loob na tanong ni Sam

huminga ng malalim si Sab..."yeah, i guess so"

totoong sa panahong nawala si Sab ay pinilit niyang makalimutan si Mark, dahil yon ang pinakatama sa palagay niya. desidido siyang tulungan ang sarili na makawala sa kabiguan. nguni habang nasa U.S. isang bagay ang nagawa niya na hanggang ngayon ay sumusundot sa kunsensiya niya.

two weeks later. isang card at isang stem ng red rose ang inabutan ni Sab sa ibabaw ng table niya.

"kanino galing to?" tanong niya sa secretary

"ma'am may nag deliver niyan dito kanina"

nang lumabas ang secretary ay binuksan niya ang sobre. isa yong dinner invitation. pinapupunta siya sa cafe' ng isang hotel dahil may reservation daw doon ang sender na hindi naman nagpkilala. nag isip si Sab. bakit ba niya pauunlakan ang lalaking ni ayaw man lang magpakilala? sino ba siya sa palagay niya? pero iba ang kutob ni Sab. pinilit ni Sab na isantabi na muna ang tungkol sa invitation na yon at nag concentrate na lamang sa mga gawain niya sa office. ngunit hanggang sa umuwi siya ay hindi mawala wala sa isipan niya ang invitation na yon. kaagad na nag shower ang dalaga at nahiga sa kama. binuksan niya ang TV para manood ng news pero lumilipad ang isipan niya. sa inis ay itinuon ng dalaga ang control sa TV parai-off na. napasulyap siya sa wall clock. it's only six-thirty. seven PM ang nakalagay sa invitation at may time pa kung gugustuhin niya. ma late man siya nang mga ilang minutes, eh ano ngayon??? curiosity ang higit na umengganyo sa dalaga. papasok pa lang si Sab sa cafe' ay sinalubong na siay ng waiter. iginiya siya nito sa isang reserbadong table. inalis nito ang nakapatong na sign at tinanong ang dalaga kung ano ang nais nito.


"hindi pa ba dumating ang mga nagpa reserve nito?" sabi niya sa waiter

"good evening!"

napalingon si Sab at halos mawalan ng kulay ang mukha niya..."YOU?!?"

ngumiti ang lalaki at naupo sa bakanteng chair. hindi muna nito sinagot ang tanong ng dalaga bagkus ay nag order sa waiter. pagkatapos ay hinarap ang natitigilang si Sab.

"i'm glad you remember me"

"what do you want?" tanong ni Sab habang nangingilap ang mga mata

"hindi ka pala mahirap hanapin"

nagsimula ng mawala ang pasensiya ni Sab. "please..."

"i've been ther for bout two days and i did a little research about you. galing ka pala sa buena familia at may pagka maldita"

biglang tumaas ang tingin ni Sab. kaagad iyong sinalubong ng binata.

"what are you trying to do?"

nagbaba ng tingin ang dalaga.."please, i don't like this kind of a game"

"so, you used to play games?"

"no. okay, ano ba tlaga ang kailangan mo sa akin?" Sab said in resignation.

"kailangan ko pa bang ipaalala ang ginawa mo noon?"

"i'm so sorry"

"but i dont need your apology"

"then what do you want from me?"

"i need you. sasama ka sa akin sa U.S."

"What?!?!?" Sab said sardonically.

"sasama ka kung ayaw mo rin sirain ko rin ang buhay mo, believe me, i will be your worst nightmare"

"anong gagawin ko dun?"

"aalagaan mo ang mama ko tutal gustong gusto ka niya. after you left, nagkaroon siya ng mild stroke at under physical therapy"

"i'm sorry but i can't do that! may trabaho ako dito"

"yes you do, but only you can say no to the boss"


nakagat ni Sab ang lower lip niya. halatang nag research na talaga tungkol sa kanya.


"alright, gaano katagal?"

"hanggang sa maka recover ang mama"

"my goodness! kelan pa yon?"

"nasa galing ng pangangalaga yon. tandaan mo to, Sabrina, kapag may nangyaring hindi maganda sa mama, hindi ko maipapangako kung mapapalampas ko yon"

"i can't decide right now"

"when?"

"give me at least two days"

"don't try to trick me, lady"

"ano bang palagay mo, sinadya ko ang mga nangyari?"

"it doesnt matter anymore. nagawa mo ng sirain ang buhay ko. ngayon, tulungan mo kong ayusin to. here's my number"


ininom lang ni Sab ang white wine at nagpaalam na sa binata. hindi na rin siya pinigil ni Mark...
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 2:48 am

Re: All for LOVE (Samantha)
Chapter 3




Galit na galit si Sab ng makauwi siya. nagulat naman si Sam sa kalabog at katon ng kakambal sa pintuan ng kwarto niya. mabilis nyang binuksan. Parang tigre ang anyo ni Sab ng salyahin niya si Sam hanggang mapaupo ito sa kama.


"what's wrong with you?" tanong ni Sam

"this is your fault!"

"ano na naman ba ang nagawa ko?" maiiyak na tanong ni Sam kay Sab

"kung hindi mo ipinagtapat kay Mark ang totoo, hindi na sana ako umalis pa noon"

"akala ko ba tapos na yon?"

"ang akala ko rin!" sabi ni Sab at tinungo na ang sala


sumunod naman si Sam. umiyak muna si Sab samantalang nakatingin lang sa kanya ang kakambal. maya-maya pa ay pinahid ni Sab ang luha niya.


"sinundan niya ako rito sa pilipinas"

"sino siya?"

"si Mark!"



kumunot ang noo ni Sam...


"magkapangalan sila. p*este kasi yong taxi driver, bingi pa yata! i told him to drop me at 15 Brown Street. eh sa Crown street pala ako ibinaba"

"what happened then?"

"araw noon ng kasal ni Mark at ayoko siyang maalala kaya nag casino ako. uminom din ako. nang mapagod ay nagpasya na akong bumalik sa hotel. masakit ang ulo noon. at naparami na rin ang inom. nakatulog na nga ako sa loob ng taxi. ginising ako ng driver at sinabing nakarating na kami. hindi ko naman inisip na nasa maling lugar kami kaya agad ko siyang binayaran. ang gusto ko lng naman ay makapag rest na. pero ng bumaba ako, saka ko lng napansin na kakaiba ang paligid. when i look at the sign I saw Crown Street"

"bahay ng Mark na yon ang napuntahan mo?" tanong ni Sam

"so i decided na maglakad lakad habang nag-aabang ng taxi nang makita ko ang kakaibang tanawin. ang pagkakataon nga naman. akalain mong makita ko ang pangalang Mark na nakasulat sa entrance ng isang garden wedding ceremony. naghalo halo ang laman ng utak ko. at halos hindi ko na ma-control. I thought i was just dreaming. inisip ko na hindi pala ako nakatakas sa araw ng kasal ni Mark kaya pumasok ako."

"God! what did you do?" tanong ni Sam

"hindi ko matandaan. nagising na lang ako sa loob ng isang room. later on ay napag alaman kong nasa bahay ako ng Mark na yon. nalaman ko rin na habang tinatanong ng pastor ang groom ay bigla na lang daw akong sumigaw"

"ano raw ang sinabi mo?"

"huwag Mark! hindi na natuloy ang kasal dahil nagalit at napahiya daw ang bride"

"Jesus! hindi man lang ba nito hinayaang mag explain si Mark?

"tagalog ang salitang ginamit ko at alam ko rin ang name niya, sapat na raw yon para isipin nilang may relasyon kami. His family treated me well. ang akala nila ay inagrabyado ako ni Mark. nagalit ang mama niya sa kanya dahil salbahe raw siya sa mga babae. ang akala raw nito ay nagbago na siya. inisip pa nila na baka buntis ako"

"bakit siya nagpunta dito sa pinas?" tanong ni Sam

"para isama niya ako pabalik sa america. gusto niyang alagaan ko ang kanyang mama na nagkaroon ng mild stroke matapos akong tumakas. inisip daw nito na pinalayas ako ni Mark"

"are you going there?"

"no! of course not! pero nagbanta siya, baka patayin ako ng gagong yon. pinagbantaan niya akon hindi titigilan hangga't di sumusunod sa gusto niya. this is all your fault Samantha!"


napalunok si Sam...


"okay, i'll go with him" sabi ni Sam

"nasisiraan ka na ba?" hindi ko nga nakilala ng husto ang lalaking yon"

"pero hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masa sayo" ani Sam

"you know, that's the problem with you. hindi ko alam kong magagalit, maiinis o matutuwa ako sayo. kung sana ay nanahimik ka na lang noon"

"we can't bring back what's past. pero nararamdaman kong gagawa tlaga ng gulo ang Mark na yon. baka kung anong sabihin niya, malilintikan ako sa mama at papa. ang higit na ikinatatakot ko ay ang health condition ng mama ng Mark na yon. sabihin na lang kaya natin sa kanila ang totoo"

"maaaring maintindihan nila tayo pero hindi ang Mark na yon"

"wala ng ibang paraan Sab. sabi mo pa nga mabait sayo ang family niya, hindi naman siguro nila AKO papatayin. sabihin mong payag ka na Sab"

"Sam..."

"mas kailangan ka dito dahil sa trabaho mo. palagay ko ay makakaya mo ng harapin si Mark kung sakali mang bumalik na siya sa trabaho. hindi ko kayang mag pretend ng matagl sa office mo dahil may mga decision na ikaw lang ang makakagawa. ako kayang kong palabasin na gusto ko lang mag scout ng mga bagong fashion trend sa abroad. don't worry, i'll talk to his family at magpapaliwanag. i'm sure mauunawaan din nila ang totoo"


huminga ng malalim si Sabrina...


"ano ba tong napasukan ko?"

"sige na wag ka ng mag alala, kaya ko namang alagaan sarili ko. isa pa, ayokong sumama ang loob mo sa akin. mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa'yo. sige na Sab..."

"are you sure?"


tumango si Samantha...


"iisipin ko na lang na nagbabakasyon lang ako. yon lang din ang alam kong paraan para mabawasan ang guilt ko"



habang natitigilan si sabrina ay dinampot ni Sam ang phone. tinawagan niya ang ina at sinabi ang plano niyang pagbabakasyon. hindi naman naghinala ang ina na may kakaiba roon. ng matapos ang pakikipag usap sa ina ay iniabot ni Sam ang phone sa kakambal...


"call Him"
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 2:49 am

Re: All for LOVE (Samantha)
Chapter 4



Bagama't kinakabahan hindi nagpahalata si Samantha ng ihatid siya ni Sabrina sa airport. nagsuot ng shades si Sab ang binago rin niya ang style sa pananamit. paniniguro lang yon na hindi siya makikilala ni Mark.


"there He is" bulong ni Sab sa kakambal


ngunit lalong bumilis ang tahip ng dibdib ni Sam nang makita ang mukha ng lalaki. God, he's so handsome! hindi naman niya kasi inisip na pangit ang lalaki pero hindi ganun ka gwapo.


"panu, iiwan na kita?" sabi ni Sab

"sige"

"mag iingat ka"

"i will"

"call me, okay?"


tumango lng si Sam at nilapitan ang naghihintay na lalaki...


"who was that?" agad na tanong sa kanya ni Mark

"my sister" sabi ni Sam

"your twin sister Samantha. balita ko mabait siya, hindi gaya mo!"


napalunok na lang si Samantha. may bitbit na suitcase ang lalaki at kaya pa naman nitong magbitbit ng isa pa pero hinayaan lang siya nito. Ungentleman ba ito o galit lang talaga sa kanya? they never had a talk until the plane started to take off.


"wag na wag kang magkakamaling pakitaan ng masama ang Mama ko, sasakalin kita. I'm not kidding!"



hindi tumugon si Sam...


"ano, nalunok mo na ba ang dila mo?"

"wag kang mag alala, gagawin ko ang lahat ng gusto mo para mabayaran ko ang kasalanan ko sayo"

"very good. madali ka naman palang kausap ngayon"



matapos ang mahabang biyahe ay narating din nila ang America...


"magpasalamat ka sa Mama dahil gusto niyang tratuhin kita ng maganda. ako pa rin ang sinisisi niya kung bakit bigla ka nawala. ito ang tandaan mo, dati kitang GF sa ayaw natin at sa gusto" sabi ni Mark habang sakay na sila ng taxi


"paano tayo naging mag boyfriend?" nakuhang itanong ni Sam...

"ngayon pa lang isipin mo na tutal naman ikaw ang nagsimula nito. sabihin mo agad sa akin pag naisip mo na"


huminga ng malalim si Sam. ngayon naman ay kailangan niya mag imbento ng kwento. ilang minuto rin siyang natahimik.


"okay, sabihin mo na lang na madalas akong nagpupunta dito. nagkita tayo sa isang fashion show at nasundan pa ang pagkikita natin"

"at fashion designer ka gaya ng kapatid mo?"



saglit na natigilan si Sam...


"wala na akong maisip na iba pang paraan"

"okay"



kapuna puna naman ang pagbabago ng kilos ni Mark nang dumating na sila sa bahay nila. kinuha ni Mark ang sariling suitcase pati na rin ang kay Sam...


"Mark..."

"yes?"

"what do you do for a living?"

"i'm a system analyst for Wells Fargo at downtown LA. This is our house"

"how long have you been here in America?"

"twenty years. si Mama lang makakasama natin dito. mamaya lang babalik na si Frida sa house nila"

who's Frida?" tanong ni Sam

"my younger sister. she's married now"


tumango na lang si Sam...



bakas na bakas ang tuwa sa mukha ni Neri nang makita ang kasama na anak...


"oh, hija, salamat at nagbalik ka" sabay hug kay Sam


parang kinurot ang puso ni Sam nang makitang nakaupo sa wheelchair ang ginang. lumapit siya rito at yumakap...


"i'm sorry" bulong ni Sam

"oh, don't say that. hindi ikaw kundi ang lokong ito ang may kasalanan. anyway, kalimutan na natin ang nakaraan. ituring natin yong blessing-in-disguise. mukha kang mabait hija"


nahihiyang ngumiti si Sam. kamuntik na namang masamid si Mark...


"have you had dinner?"

"tapos na po Mama" sabi ni Mark

"kung ganun ay mag rest na kayo"


nang bumaling si Sam ay nahagip ng paningin niya si Frida...


"Hi!" sabi ni Sam


ngumiti naman si Frida at nilapitan siya at nag beso beso...


"hindi na ako magtatagal. bahala na kayo dito ha" sabi ni Frida


tumango lang si Sam. sinamahan na ni Mark sa isang room si Sam...


"ayusin mo na lang ang mga gamit mo dyan sa closet sa bandang dulo"


tumango ang dalaga at binuksan ang closet. natukso siyang buksan ang left side niyon...


"this is full of clothes" sabi ni Sam kay Mark

"My clothes"

"your clothes?" ulit ni Sam "and this is your room???"

"right"

"wait a minute. tatlo ang rooms sa house na to, right?"

"yeah, isa sa Mama, isa sa akin at ang isa naman ay ginawa kong bodega"

"ibig mong sabihin dalawa tayong matutulog dito???"

"pwede ba, wag ka ng magmalinis. i know your type. hindi kita pag i-interesan"


kahit nasaktan sa sinabi ni Mark ay wala namang planong makipagtalo si Sam...


"i'll see if i can do something to that room" sabi ni Sam

"don't bother. ang alam ng Mama may nangyari na sa atin before. ngayon pa ba tayo magkakahiyaan?"

"hindi tayo magkaanu-ano Mark. at alam mong hindi totoo yon"

"after what you did, she's not gonna buy that. ako pa nga ang masama di ba?"

"okay, saan ka matutulog?"

"eh di sa bed! san pa ba?"

"there's only one bed here! for god sake!" inis na sabi ni Sam

"tama ka. pero hindi mo naman kayang occupy lahat yan pwera na lang kung umiikot ikot ka habang natutulog"


napailing na lang si Samantha at naupo sa gilid ng bed...


"do you really think this is a good idea???"

"no, but i have no other choice. nakukuliglig na ang tenga ko sa mga sermon at bintang na Mama. at kahit naman palasermon siya, mahal na mahal ko yon"

"ano bang ini-expect niya sa akin Mark?"

"since hindi naman siya naniniwala sa katwiran ko, sinang-ayunan ko na lng...gusto niyang pakasalan kita"

"KASAL!?!?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Sam

"don't worry, wala akong plano. sinabi ko sa kanya na wala kang bilib sa kasal at gusto mo lang na makipag-live in. kaya nga tayo nagkahiwalay --- KUNO!"

"ang sama mo naman!"

"ako pa ang masama"

"para mo na ring sinabi na ang mga tulad ko ay hindi dapat pinakakasalan!"

"ang sabi ko, wala akong balak pakasalan ka, ewan ko ang ibang lalaki. here's the deal: alagan mo si Mama hanggang sa maging emotionally stable na siya. then unti unti mong iparamdam sa kanya na nagkakamali siya ng paniniwala sa katauhan mo"

"what do you mean?"

"sinabi ko naman sayo, mukha kang mabait sa paningin niya. and Mama likes you so much. pag okay na siya, magpakita ka ng boredom sa situation mo at kunwari ay hindi na tayo nagkakasundo. for now, kailangang okay tayo dahil hindi siya naniniwala na wala kang gusto sa akin ahil sa ginawa mo ung araw na kasal ko"

"okay, gusto ko ng magpahinga, pwede bang lumabas ka na muna?" ani Sam

"gusto ko na ring magpahinga"

"magbibihis lang ako, pwede???" iritang sabi ni Sam

"okay, just in case hindi mo napansin, may banyo dyan, pwede ka ri magbihis dyan" sabi ni Mark.


lumabas naman ang binata gaya ng sabi ni Sam...
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 2:50 am

Re: All for LOVE (Samantha)
Chapter 5





Negligee ang nakasanayang isuot ni Samantha sa pagtulog. kung minsan nga ay naka bikini lang siya dahil mas presko sa pakiramdam niya ang ganun. ngunit sa pagkakataong ito at minabuti niyang magsuot ng terno na pajama. pagkatapos niyang pantulog ay nahiga na siya sa bed. kaagad niyang kinuha ang body pillow at inilagay sa gitna para magkaroon ng division sa pagitan nila ni Mark. pagod na siya at gusto na ring mag rest. ipinikit niya ang mga mata ngunit subconscious sa paligid, lalo na ng pumasok si Mark sa room. aware pa rin si Sam na naroon na si Mark pero minabuti niyang magpanggap na natutulog. tahimik na ang paligid kaya maging ang paghugot ni Mark ng malalim na hininga ay narinig niya.


pagod na rin si Mark kaya matapos niyang magpalit ng pantulog ay nahiga na rin sa tabi ng dalaga. saglit niyang pinagmasdan ang mukha ni Sam at saka tumagilid paiwas. ilang sandali pa ay narinig na ng dalaga ang paghilik ni Mark. bukod sa hindi sanay na may katabi, lalong hindi sanay si Sam sa ingay ng paghilik.


gustong gusto niya ng hampasin ng unan ang lalaki. biglang kumilos si Mark kaya naalarma si Sam. nakahinga siya ng maluwag ng nag iba lang pala ito ng position. pansamantalang natigil sa paghilik ang lalaki. gayunpaman, hindi pa rin makuhang matulog ni Sam. ngayon ay malaya niya ng napagmasdan ang mukha ni Mark.


Gwapo talaga! at parang natutunaw na naman ang puso niya sa anyo ng lalaki. pinag aralan ni Sam ang damdamin niya pero wala siyang makapang takot sa piling ni Mark. kung may pinangangambahan man siya yon ang pagkakahulog ng damdamin niya sa lalaking ito. ang lakas talaga ng dating ni Mark para sa kanya pero kailangan maging maingat siya. inabot na ng madaling araw ang dalaga sa kakaisip sa posibleng kahihinatnan ng ginagawa niyang ito. nang mapagod ng husto ang isipan ay saka lang siya nakatulog.


dahil hindi comfortable sa suot na pantulog, maya't maya kung gumalaw si Sam. bukod sa pagbiling biling ay nariyan ding yakapin niya ang body pillow. nang bumaling siya sa kanan ay dala niya ang pillow. nang magawa ng matulog ni Sam ay nabitawan na rin niya ang unan. at dahil kalahati niyon ay naka hang sa bed, nalaglag yon ng muli siyang kumilos.


nang muling bumiling sa kaliwa si Sam ay hindi na rin niya namalayan nang tumama sa mukha ni Mark ang braso niya, dahilan para magulat ang binata. babalikwas sana ng bangon si Mark nang maalala niyang may katabi siya bago matulog. napahugot na lang ito ng malalim na hininga at marahang inalis ang kamay ni Sam sa mukha niya.


ngunit matapos ibahin ni Mark ang posisyon ng kamay ni Sam ay muli itong kumilos patungo sa bewang nya. mahigpit itong yumapos kay Mark at isiniksik ang ulo ni Sam sa tagiliran niya. hindi na magawang matulog ni Mark. sa likot ni Sam.


habang lumilipas ang mga sandali ay nakaramdam naman ng kakaibang init si Mark. pinigil niya ang sarili na matukso dahil hindi naman siya ang tipong nananamantala. wala sa vocabulary niya ang mamilit ng babae kahit pa may kasalanan ito sa kanya. nang bumaling sa kanan si Sam ay nakahinga nang maluwag si Mark. ngunit pansamantala lang pala iyon at lalong hindi niya inakala ang susunod na kilos ng dalaga.


napasulyap lang si Mark nang makita niyang napakamot sa waistline nito ang dalaga. maya maya ay parang walang pakialam si Sam na inililis ang pajama hanggang sa tuluyan na itong mahubad. nang itapo iyon ng dalaga ay tumama pa sa mukha ni Mark.


God! nausal ni Mark


at hindi niya napaglabanan ang sariling curiousity nang bumaba ang tingin niya sa shapely legs ni Sam. napalunok siya sa paghanga. hinfi natapos doon ang kalbaryo ni Mark dahil hinubad din ng dalaga ang pang itaas nito. naiwan na lang ang two-piece suit ng dalaga.


na realized ni Mark na hindi sanay ang dalaga na matulog ng balot na balot ang katawan at napilitan lang ito dahil may ibang katabi. ngunit parusa ang ginagawang iyon ni Sam sa kanya. yaman din lang na hindi na siya makatulog, mas mabuti pa siguro kung lumabas na lang siya at sa salas na lang magpaumaga.



akmang babangon na ang binata nang muling bumiling si Sam at yumakap sa binata. ipinikit na lang ni Mark ang mga mata niya at paulit ulit na nanalangin na huwag sana siyang matukso sa ginagawa ng dalaga.


nag settle na sa position nito ang dalaga. hinayaan na lang ito ni Mark. kinaumagahan nang magising ang dalaga ay gulat na gulat siya nang makitang imbes na unan ay si Mark ang yakap niya. nanlaki ang mga mata ni Sam sa pagkabigla at napabalikwas ng bangon. nang maramdaman niya ang lamig na humaplos sa balat niya ay saka lang niya napansin ang anyo. kumunot ang noo niya at mabilis na hinila ang kumot at binalot sa katawan.


"what did you do???" she sounded as if accusing him of anything


tumayo na rin si Mark at napailing.


"huwag mo kong pagbintangan nang kung ano ano. pasalamat ka at ako ang katabi mo. alam mo bang halos hindi ako nakatulog dahil sa kalikutan mo?"

"ako? malikot??? hindi naman ah!" she said defensively

"anong gusto mong isipin ko, inaakit mo ako?"

"hoy! hoy! hoy! dahan dahan ka sa mga sinasabi mo ha! sabi ni Sam habang hinahagilap ang mga piraso ng damit niya.

"okay, i assumed hindi ka sanay sa suot mong pantulog kaya sumobra ang likot mo. ilang beses mo pa nga akng nasapok eh! nang hubarin mo ang damit mo saka ka lang nakatulog"

"at pinag-piyestahan mo ang katawan ko???"

"hoy, mas sobra pa diyan ang mga nakita ko" sabi ni Mark na hinaluan na lang ng biro ang tono. "pwede ba, ang aga aga pa para makipag away. pakiramdaman mo nga ang sarili mo, may nagbago ba sayo? pasalamat ka nga at nakatulog ka. samantalang halos mamanhid ang balikat ko dahil sa ginawa mo itong unan" sabay stretch ng kanyang braso.


napalunok ang dalaga sa pagkapahiya pero minabuti na lamang niyang huwag ng makipagtalo pa. pumasok siya sa bathroom at inayos ang sarili. pinagmasdan ni Sam ang anyo niya sa salamin. unang gabi pa lang niya sa bahay na yon at ito na kaagad ang nangyari. ano pa kaya ang susunod? ngunit napatunayan din niya na kahit may pagka pilosopo si Mark, mapagkakatiwalaan ito.


[color=purple]kahit naman attracted si Sam sa binata, ayaw din naman niyang itaya ang dignidad niya bilang babae nang ganun ganun na lang. nangarap din naman siya sa sa future ay makatagpo ng lalaking magpapatibok ng puso niya at magmamahal sa kanya. tulad ng ibang babae, gusto niyang ialay ang lahat sa tamang lalaki. she likes Mark but love must be a two-way street.
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 2:50 am

Re: All for LOVE (Samantha)
continuation...




hindi namalayan ni Samantha ang mga sandali. nagulat pa siya ng katukin siya ni Mark.


"Sabrina, matagal ka pa ba?"




nagmamadali siyang kumilos at ng makalabas ay pumasok naman sa bathroom si Mark. ngunit muli nitong binuksan ang door.



"magluto ka na ng breakfast, papasok pa ako" at muling isinara ang door


anong akala nito sa akin, katulong? nakakunot ang noong sabi ni Sam sa sarili.


muling bumukas ang pintuan


"i know what you're thinking. alam mong hindi uso ang katulong dito sa america. si Mama ang nagluluto ng pagkain pero hindi pa niya kaya. and since ako ang nagta trabaho, ikaw ang gagawa ng mga gawain niya. may reklamo?"


manghuhula ka ba? ngunit hindi na iyon naisatinig pa ni Sam.


bumuntong hininga na lang siya at iniwan si Mark. mabuti na lng at mahilig siyang mag-usyoso sa mama niya tuwing naiisipang mag experiment sa kusina. bahagyang napapangiti si Samantha. ina-underestimate ni Mark ang kakayahan niya. inisip marahil ni Mark na typical rich man's daughter siya at ang mga gawaing bahay ay isang parusa. itinuring ni Sam na isang challenge ang presence niya sa bahay na ito. isang adventure sa life niya na maaari rin niyang maranasan sa hinaharap.


habang naghahanda ng pagkain ay naalala niya ang ina. naitanong kasi niya minsan sa mama niya kung bakit nagpapakahirap pa itong magluto amantalang may katulong naman sila, tuloy nahiwa ito ng kutsilyo at natilansikan pa ng mantika.


"when you love a person, you can never help giving him your best. even the impossible just to make him happy" sabi ng mama niya sa kanya

"hindi ba alam naman ng papa na mahal na mahal mo siya at mahal ka rin niya kahit hindi niyo gawin yan? magagalit pa yon kapag nakitang nasugatan kayo"

"Dear, im sure gagawin mo rin ang mga ginagawa ko in the future. simply because it makes you really happy. lalo na kapag pinuri ng mahal mo ang mga ginagawa mo para sa kanya. pero kahit pa hindi, ang pagkakataong masilbihan mo siya ay isa ng kaligayahan"



nginitian lang niya ang makulit na si Samantha



ngunit dahil sa pagsariwa ni Samantha sa mga alaala nila ng kanyang Mama, nasunog ang pini-prito niyang itlog. nang mapuno ng usok ang kitchen ay saka lang nataranta ang dalaga. nang mga sandaling yon ay itinutulak na ni Mark ang wheelchair ng ina palabas sa room nito.nagmamadali siya ng maamoy ang nasusunog na pagkain. napailing si Mark at kinuha ang frying pan.


"next time, hinaan mo lang ang apoy kapag nagprito ka ng itlog"


hindi na nakipagtalo si Sam. hinayaan na lang niya si Mark dahil halatang nainis ito. at nabigo siya na patunayang nagkakamali ito ng pagkakakilala sa kanya. nang magsalubong ang tingin nila ni Neri ay nginitian siya ng ginang. inabot nito ang kamay niya at pinisil.


"its all right, hija. dont worry sa susunod tutulungan kita"


naupo na lang si Sam at si Mark na rin ang naghanda ng lahat. parang ayaw niyang kumain sa pagkapahiya pero pinilit niya para hindi na madagdagan ang inis ng binata.


"magpa deliver na lang kayo ng pagkain mamaya, Mama. ani Mark matapos ubusin ang almusal niya.

"dont worry about us, hijo. matututo rin si Sabrina"


tumango si Mark pero hindi mapalagay ang loob niya sa kapalpakan ng anak mayamang pag-iiwanan niya sa ina. kung hindi nga lang siya nakukulitan sa panenermon ng ina, hinding hindi niya susunduin ang dalaga. at wala sa vocabulary niya ang maunyo ng manuyo ng babae. lalo na ang sumunod sa kapritso nito. hinagkan na ni Mark ang ina bago ito magpaalam. nang makatalikod si Mark ay sinita siya ni Neri.


"hijo..."

"yes, Ma?"

"nakalimutan mong hagkan ang asawa mo"

"Ma, were not married"


napalunok si Samantha sa narinig niya.


"ganoon na rin yon. kasal lang naman ang kulang sa inyo. hindi dahil nasunog ni Sabrina ang itlog ay babalewalain mo na siya. ang babaw mo naman"


napailing si Mark, at dahil ayaw ng makipagtalo ay nilapitan niya ang dalaga at mabilis na hinagkan sa pisngi. hindi na nakatanggi ang dalaga at lalong nabigla sa huling salitang binitiwan ni Mark.


"bye sweetheart, take good care of Mama, okay?"



bumaba ang tingin ni Sam sa nakatinging si Neri. napilitan na lang siyang tumango. nang mawala si Mark ay pansamantala siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.


"pagpasensyahan mo na si Mark, hija"


pilit na ngumiti si Sam


"okay lang po yon. pasensiya na rin ho kayo kung nasunog ko ang itlog"

"para yon lang. ako nga ang nahihiya sayo, halatang hindi ka sanay sa gawaing bahay. pati ako pasanin mo pa"

"naku, wag niyo hong sasabihin yan. wala kayong dapat alalahanin sa bagay na iyan"

"talaga, hija?"


she nodded sincerely...


"noong una pa lang ay naramdaman ko ng ikaw ang tamang babae para sa anak ko. sana naman sa pagkakataong ito ay magbago na ang pananaw niya sa buhay"


hindi maunawaan ni Sam kong matutuwa ba siya sa sinabi ng ginang ngunit nag-iwan yon ng palaisipan sa kanya. gayunpaman, ayaw niyang alamin kung ano ang nasa likod ng sinabi ng ginang.


"ah, Tita..."

"Mama ang itawag mo sa akin"



naiilang na ngumiti si Sam at tumango...


"M---Mama, gusto niyo na po bang maligo?"

"kaya ko ng maligong mag-isa, hija"

"pero---"

"salamat sa pag-aalala mo hija. alalayan mo na lang akong makapasok sa banyo. may upuang inilagay roon si Frida. kaya ko na yon at saka ayaw ko rin naman maging pabigat kahit kanino"

"hindi ho kayo pabigat, Mama"

"alam kong may mabuti kang kalooban, Sabrina. sundin mo na lang ang sinabi ko, isa pa, gusto kong maka recover agad"


nasunod si Neri...


"tawagin nyo na lang po ako kung kailangan niyo ng tulong"

" sige, salamat, hija"
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 2:51 am

Re: All for LOVE (Samantha)
Chapter 6


Mabilis na tinungo ni Sam ang kinaroroonan ng telephone ng tumunog yon.


"Hello"

"Sab, this is Mark"

"tatawagin ko ba ang Mama mo?"

"wag na. pakisabi na lang na baka late na akong umuwi. wag niyo na akong hintayin sa dinner, may pupuntahan kami ni Erwin"

"okay" sabi si Sam


agad namang ipinarating ni Sam kay Neri ang sinabi ni Mark.


"kilala mo ba si Erwin, hija?"

"a---ah..."


ngumiti si Neri...


"ang mabuti pa ay kumain na tayo at doon natin ipagpatuloy ang kwentuhan"


tumango lang si Sam pero naroroon ang pangamba dahil nagsisimula nang mag-usisa si Neri. afritada ang ulam nila. at si Sam ang nagluto niyon sa tulong ni Neri.


"hmmm, masarap! pagsisisihan ni Mark na hindi siya naghapunan dito. hindi bale ipagtitira natin siya. ilagay na lang natin sa ref"


ngumiti lang si Sam...


"alam mo, may palagay akong hindi mo pa gaanong kilala si Mark. ewan kung nai-kwento niya na sa'yo pero ako na ang magsasabi tutal nagsasama na rin naman kayo"


hindi man sumagot ang dalaga. nararamdaman ni Neri ang expression ng mukha nito.


"kung natuloy ang kasal nila ni Cyril, hindi ko masisiguro kung gaano itatagal ang pagsasama nila"

"bakit naman ho?" sa wakas ay naitanong ni Sam

"i'm sure hindi nai-kwento sayo ni Mark ang tungkol kay Margot"


umiling si Sam..


"first love ni Mark si Margot. american ang father ni Margot at filipina ang ina. lahat ng gusto ni Margot ibinibigay niya ngunit isang araw, sinabi ni Margot na bigla na lang naglaho ang nararamdaman niya para kay Mark"

"pwede pala yon, Mama?"

"naniniwala ako roon, hija. pero nahirapan si Mark na tanggapin yon. magmula noon ay parang nagpapalit lang siya ng damit kung makipag-relasyon. tinanong ko siya kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa buhay niya dahil hindi na siya bata. alam mo kung ano ang sagot niya? mag-aasawa rin siya kapag thirty years old na siya. at magpapakasal siya sa babaeng makakaunawa sa kanya at never na raw na manunuyo pa siya. well, hindi ko gusto ang philosophy niya pagdating sa bagay na yon. but he's a very sweet and loving son. kung magkakasundo lang kayo, i'm sure in the future, magbabago rin siya at kakainin lahat ang mga sinabi niya"

"k---kumusta na ho si Cyril?" lakas loob na tanong ni Sam

"i don't think they really love each other. madali siyang makaka recover sa nangyari sa kanila ni Mark"

"paano niyo ho nasabi yon?"

"alam mo hija, kung talagang buo ang tiwala niya kay Mark, pakikinggan niya ang paliwanag nito. pero mabuti na rin at nangyari ang bagay na yon. kwentuhan mo naman ako, hija, siguro sa ganda mong yan ay marami ka naging boyfriend bago mo nakilala ang anak ko ano?"


bahagyang napatawa si Sam...

"honestly, wala po"

"hindi ako naniniwala kung sasabihin mong walang nanliligaw sayo noon"

"meron naman ho, kaya lang gusto ko kung makikipag relasyon ako, for keeps na"

"kung ganoon, bakit hindi mo tanggapin ang alok na kasal ng anak ko?"


nakaramdam ng tension si Sam...


"ah...hindi naman ho sa ganoon, gusto ko rin kasing makitang sincere na siya dahil ayoko ho ng divorce"

"pinahanga mo ko hija, wag kang mag-alala, kapag may problema ka kay Mark, sabihin mo lang sa akin. maaasahan mo ko sa lahat ng panahon, hija. alam mo bang gustong gusto kita para sa kanya?"


gustong malunod sa tuwa ng puso ni Sam...but your son hates me...hindi na naisatingi pa ang sinabing yon


"salamat po" tanging nasabi ni Sam

"i really mean it hija. sana lang ay mapagpasensiyahan mo si Mark. naniniwala akong ikaw ang makapagbabalik sa dating malambing na si Mark. halos sambahin niya noon si Margot, pero ganoon lang siguro ang buhay. kung hindi nangyari yon, wala ka rito ngayon. si Erwin nga pala, barkada niya yon since college, siguro niyayaya lang na makipag-inuman"


tumango lang si Sam. gusto sana niyang magtanong tungkol sa ama ng binata pero inisip ni Sam na baka magtaka ang ginang na wala siyang nalalaman sa bagay na iyon.


tulog na ang dalaga nang umuwi si Mark. as usual pabiling biling ito sa higaan. si Mark naman, hindi na nakuhang magpalit ng damit dahil naghahalo na ang antok at epekto ng alak sa system nito. makailang beses na tumama ang braso at paa ni Sam sa katawan ng binata. inis lang na inaalis ito ni Mark at pilit na nagpatuloy sa pagtulog. kinabukasan ay naka two piece na naman si Sam pero hindi na siya umimik pa. kumbinsido na siya na nagagawa niyang maghubad habang natutulog.


after a week, hindi na nakatiis si Mark, kumuha siya ng comforter at inilatag sa carpet at doon na lang natulog. three nights after nagulat si Sam ng may maulinigan siyang parang dumadaing. kaagad siyang napabalikwas at kinapa ang touchlamp. nakita niya si Mark na parang kinakapos sa paghinga. mabilis na nilapitan ni Sam at tinapik sa pisngi.


"Mark...wake up!"


nang hindi pa rin nag respond si Mark. niyugyog na niya ito. saka lang nagising si Mark na napahugot ng malalim na hininga.


"it's such a bad dream" sabi ni Mark


inabutan ni Sam ng towel si Mark at nagpunas naman ito ng pawis.


"ikukuha kita ng water"


hindi kumibo si Mark. matapos makainom..


"salamat"


"dito ka na matulog. mukhang hindi ka sanay matulog diyan"


tumango si Mark at lumipat na sa bed.


"sige matulog ka na" sabi niya sa dalaga


nang sumunod na gabi, kinausap muna ni Mark si Sam bago sila natulog.


"Sab, pwede bang hubarin mo na lang yang terno mo?"


nagsalubong ang kilay ni Sam.


"binabastos mo ba ako?"

"don't get me wrong. ikaw nga ang naghuhubad diyan eh"

"so, sinasabi mong ako ang bastos?"


huminga ng malalim si Mark. hindi niya malaman kung matatawa o maiinis sa dalaga.


"kung plano kitang pagsamantalahan, sana ginawa ko na noon pa. gusto ko lang naman makatulog ng mahimbing"

"bakit ikaw, kapag naunahan mo ako ng tulog, sa palagay mo ba ay nakakatulog ako kaagad?"

"bakit ano bang ginagawa ko?" nagtatakang tanong ni Mark.

"para ka lang namang may amplifier sa ilong"

"i'm sorry, hindi ko alam kung malakas man akong humilik, tulog na ako obviously. kaya nga ayusin natin ito. lagi mo akong ginugulat. hangga't hindi mo naaalis yang suot mong terno, hindi mo rin tinitigilan ang mukha at katawan ko sa mga punches mo"

"so, kasalanan ko?"

"no, gusto ko lang sabihin sayo na hindi ako malisyosong tao. when we go to the beach, mas grabe pa diyan ang scenery. i suggest you better do it. huwag mo lang sanang mamasamain, just wear what you used to for your own comfort. para makatulog tayo"

"ikaw makakatulog, paano naman ako?"

"okay, lagi na lang kitang pauunahin sa pagtulog"

"paano kung hindi pa ako makatulog at di mo na mapigil ang antok mo?"

"well, its up to you. gisingin mo ako o di kaya ay pitikin mo ang ilong ko"


pipigilin sana ni Sam ang pagtawa pero hindi niya nagawa.


"sige na nga. tumalikod ka muna" utos ni Sam kay Mark.


ginawa naman ni Mark ang utos ng dalaga as if hindi nito nakikita ang anyo nito kung naka underwear lang. matapos hubarin ni Sam ang terno niya ay humiga na siya sa bed at tinakpan ng blanket ang katawan. pumikit na ang dalaga samantalang si Mark naman ay nagbasa muna ng spy novel. Mark is right, the arrangement worked for them.


napapadalas ang pag uwi ni Mark ng late. wala namang plano si Sam na sitahin ang binata pero bakit nag aalala siya? malalim na ang gabi pero nag iisip pa rin si Sam. naalala niya ang sinabi ng Mama ni Mark na parang damit lang kung magpalit ng nobya si Mark. nagseselos ba siya? dapat na ba niyang tapusin ang kalokohang pinasukan niya? halata ang pamumugto ng mga mata ni Sam kinaumagahan. si Neri ang sumita sa binata.


"saan ka na naman ba nanggaling kagabi, Mark? tingnan mo yang si Sab, mukhang hindi nakatulog sa pag aalala sayo. matinong babae si Sab kaya igalang mo siya"


nagtataka rin si Mark na hindi siya naiirita sa sinabi ng ina ngayon. sumagot siya ng mahinahon.


"kasama ko lang si Erwin, Mama. hayaan niyo babawasan ko ang paglabas labas sa gabi"

"dapat lang!"


nakikinig lang si Samantha at walang planong makihalo sa usapan ng mag ina. ang hindi niya alam, pinag-aaralan ng dalawa ang reaction niya...
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 2:51 am

Re: All for LOVE (Samantha)
Chapter 7



"Oh, Hi! How are you?" interesadong tanong ni Sabrina nang tawagan siya ng kakambal na si Samantha.

"okay lang ako"

"kailan ka uuwi?"

"hindi ko pa alam"

"hindi ka ba nahihirapan sa situation mo diyan?"

"okay lang. sina Mama, kumusta?"

"as usual. hindi mo ba sila tatawagan?"

"tatawagan, inuna lang kita. kapag nakibalita sila sayo, sabihin mong maglilibot pa ako sa Europe kaya baka matagalan. sasamantalahin ko na kamo ang pagkakataon"

"Sam, are you really okay?" mukhang malungkot ka. baka naman tinatago mo lang ang totoo. pinagmalupitan ka ba ng gag*ng yon o di kaya...oh my god, Sam...wag mong sabihing pinagsamantalahan ka niya?"

"wag mong takutin ang sarili mo, matinong lalaki si Mark. hindi siya mapagsamantala"

"teka lang, parang iba yata ang kutob ko. hindi kaya nai-inlove ka sa lalaking yon?"


Sam took a sigh...


"hindi ko alam, Sab"

"what?!?!?"

"siguro nga, pero wala siyang gusto sa akin"

"oh God, you're in trouble"

"No, okay lang ako. siguro gagawa ako ng paraan para makauwi na kaagad"

"Sam..."

"yeah???"

"hindi ba gusto mo ipaalam ko noon ang tunay kong damdamin kay Mark, bakit hindi mo gawin ngayon sa Mark na yan? malay mo, siya pala ang tamang lalaki para sayo. at kapalaran talaga ang naghatid sayo diyan"

"ngayon ko na-realize na hindi nga yon ganun kadali. mas madaling gawin ang bagay na yon kung hindi ikaw ang involved. pero sa kaso ko, palagay ko makakalimutan ko rin siya kung makakaalis ako rito ng mas maaga"

"then do something"

"i will. dont you worry. sige tatawagan ko pa sina Mama at Papa. pakibisita mo na lang ang office ko, pwede?"

"sure. take care"

"you too. bye"


ngunit iba ang totoong naramdaman ni Sam. dahil kapag nale-late ng uwi si Mark, nagdaramdam siya. kapag di niya ito nakikita, namimiss niya ito. si Neri naman ay napamahal na sa kanya. One o'clock na pero wala pa rin si Mark. tahimik na napaluha si Samantha. hindi niya yon maunawaan dahil ano ba ang dapat niyang i-expect kay Mark? He's not her husband. kasama ba niya ngayon ang bago niyang girlfriend? kung parang damit lang ito kung magpalit ng GF, hindi ba niya ako nakikita? O, hindi ako papasa sa standard niya?



two thirty na ng umaga ng umuwi si Mark. gising pa rin si Sam pero nagtulog-tulugan lang siya. lasing na lasing si Mark at halos hindi makalakad nang normal. hinatid na nga lang ito ni Erwin pauwi. pabagsak itong naupo sa kama. naramdaman ni Sam ang pag uga ng bed pero hindi siya kumilos, pinangatawanan niya ang pagtulog-tulugan.


maalinsangan ang pakiramdam ni Mark kaya hinubad niya ang kasuotan at iniwan lang ang underwear nito. ganoon siya tuwing nalalasing nang husto. ilang sandali pa ay naghihilik na si Mark. hindi na nag abala pa si Sam na tapikin o pitikin sa ilong ang binata, pinanatili na lang niyang nakapikit ang mga mata.


maya maya ay umungol si Mark. napalingon si Sam sa katabi dahil mukhang nananaginip na naman ito. gigisingin na sana niya ng biglang idantay ni Mark ang binti nito sa katawan niya. pagkatapos ay ang kamay nito sa bewang niya. napalunok si Sam. tatanggalin sana niya ang kamay ng binata nang maramdaman niyang gumagapang ang kamay nito at humahaplos sa katawan niya. kasabay niyon ay ang paghalik nito sa parte ng leeg niya.


napapikit si Sam. gusto niyang kumawala pero iba ang binubulong ng puso niya. a puff of hot breath lit her skin and she was aware of the unfamiliar sensation. nasumpungan ni Mark ang lips ni Sam. it made her blood rush violently. then SHE KISSED HIM BACK??? carefully, as though making a promise.


maya-maya pa ay lalo pang naging mapangahas si Mark. naging erratic ang tibok ng puso ni Sam. nanaig ang pusong umiibig na tila malulunod sa kakaibang damdamin na experience niya.


He really thought he was just dreaming...the most wonderful thing he would love to experience again and again. then he was beginning to feel the terrible lust. his movement became erratic, hasty and uncontrollable. they...




...MADE LOVE...



napasubsob si Mark sa leeg ni Sam, his gasp was hoarse. in a moment, he was very calm.


nang hindi na matiis ni Sam ang bigat ni Mark ay maingat niya itong inilayo sa body niya...
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 2:52 am

Re: All for LOVE (Samantha)
Chapter 8




Medyo masakit ang ulo ni Mark nang tumunog ang alarm clock pero kailangan niyang pumasok sa trabaho. sinadya ni Sam na wag munang bumangon kahit maaga siyang nagising. nang maramdaman niya ang pagkilos ni Mark ay pinangatawanan niya ang pagtulog tulugan. nang tanggalin ni Mark ang comforter ay napansin niya ang kahubdan. natandaan niyang nalasing siya ng husto kagabi at halos di na niya matandaan kung paano at anong oras siya nakauwi. aware din siya na naghuhubad siya tuwing nalalasing.


sinulyapan ni Mark ang dalaga. nakita niyang tulog na tulog pa ito. nakahinga siya ng kaunti at mabilis na kinuha ang robe at pumasok sa bathroom. habang nag shower ay hindi maiwasan ni Mark ang maghinala. ilang beses na ba niyang napapanaginipan ang dalaga ngunit kagabi ay kakaiba. para bang totoong totoo ang mga pangyayari at parang naramdaman niya ang pagtugon nito sa mga halik niya.


God, did i do something stupid last night? hindi niya mapatawad ang sarili niya kung sakali. ngunit paano nga ba niya malalaman ang totoo? awkward naman kung itatanong niya ito kay Sam. dapat bang silipin niya ang katawan ng dalaga sa loob ng comforter?



No! naiiling niyang sabi sa sarili. its all but a dream. kung may nangyari kagabi, tiyak magbabago ang pakikitungo niya sa akin. hanggang sa makalabas ng bathroom si Mark ay natutulog pa rin si Sam. pero bakit parang nagi-guilty siya? hahayaan na lang ba niya ang dalaga kung kelan ito magigising at ito ang magpaliwanag sa kanya kung meron ngang dapat linawin? may oras pa naman, siya na ang maghahanda ng breakfast. pagkatapos niyang mag-prepare ng breakfast ay kinatok ni Mark ang silid ng ina.


"oh, nasaan si Sab?"

"tulog pa po, hindi ko na ginising"

"siguradong napuyat na naman yon. naramdaman ko pa nang dumating ka kagabi. akala ko ba ay babawasan mo na ang paglabas labas mo?"


hindi masalubong ni Mark ang tingin ng ina


"hindi lang nakatanggi, Ma" at nagmamadali ng kumain


hinayaan na muna ni Neri ang anak upang makakain naman ito ng almusal


"Ma, i have to go, marami akong gagawin sa office ngayon" at hinagkan ang ina


ang totoo, mas pinangangambahan ni Mark na magising si Sabrina dahil baka totoo ang hinala niya. hindi niya alam ang tamang sasabihin sa dalaga. kailangan matiyak niya kung may damdamin nga ito para sa kanya gaya nang madalas niyang ikunsulta sa kaibigang si Erwin.


nang marinig ni Sam ang familiar na ugong ng sasakyan ni Mark, saka lang siya nagmulat ng mga mata. matamlay na tinungo ni Sam ang shower at naglagi roon ng mga ilang minuto. inisip niya kung aware si Mark sa namagitan sa kanila kagabi. she felt so stupid dahil nagpadala siya sa baliw niyang damdamin. she cried. nang lumaon ay nagpasya siyang i-off ang shower at nagsuot na ng robe.


natigilan siya sa pagsuklay ng buhok nang makita niya ang reflection sa salamin. para siyang may isa pang katauhan at sinusumbatan siya sa nangyari. what happened was your entire fault! lasing si Mark at hindi ka tumanggi.


marahang katok sa pintuan ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad.

"hija?"

"yes, Mama?" tugon ni Sam at mabilis na binuksan ang pintuan

"naistorbo ba kita?"

"hindi po, kakatapos ko lang maligo. palabas na po talaga ako. pasensiya na kayo kung tinanghali ako ng gising. maghahanda na ho ako ng almusal"

"No, hija, kumain na kami ni Mark. natakpan ang pagkain mo sa table"


tumango lang si Sam


"are you alright, hija?" ani Neri matapos pag aralan ang anyo ng dalaga. "namumugto ang mga mata mo. nagtalo ba kayo ni Mark? sinaktan ka ba niya?"


mabilis na umiling si Sam


"hindi k na po namalayan ang pag uwi niya kagabi"


pagsisinungaling ni Sam.

"then, whats bothering you?"

"wala po. namimiss ko lang family ko sa pilipnas"


nakaramdam naman ng guilt si Neri sa tinuran ng dalaga.


'im sorry about that, hija. kung gusto mo munang umuwi sasabihin ko kay Mark, basta babalik ka rito"

"No, its okay, Mama. tatawagan ko na lang sila"

"nahihiya ako sayo, hija. siguro doon na muna ako kina Frida"

"Mama, okay lang ako. may mga bagay lang po talaga na hindi maiwasan, gaya nito. makakapag adjust din ako"

"ikaw ang bahala. but dont hesitate to tell me your problem, okay?"


tumango si Sam...


"kumain ka na muna"


pagdating na pagdating ni Mark sa office ay telepono agad ang dinampot ni Mark...


"i need to see you" anya kay Erwin

"my goodness, pare, im working!"

"i know. pero mamayang lunchtime"


Erwin took a sigh...


"may problema na naman ba?"

"sa tingin ko ay meron. but im not really sure. siguro kailangan ko ng kumilos"

"okay, parating na si Boss. see you later. bye"


maagang umuwi si Mark ng araw na iyon. nag uwi pa siya ng pizza at roasted chicken. nahalata niya ang pangingilap ng mata ni Sam. nadagdagan ang guilt na nadarama ni Mark. mas magiging madali sa kanya ang kausapin ang dalaga kung malalaman niya kung may damdamin din ito sa kanya.


huminga ng malalim si Mark. paano kung totoo ngang may namagitan sa kanila at pinuwersa niya ang dalaga? sana ay nagpakita ito ng galit sa kanya. samu't saring hinala ang nasa isipan ni Mark. maaaring hindi niya aaminin ang totoo para i-save ang pride niya, but thats absurd! mas dapat niyang magsalita. pero paano niya iha-handle ang situation gayong di naman niya lubusang nakikilala ang dalaga? tama si Erwin, kailangang malaman ko ang magiging reaction niya.


patungo na siya sa dining room upang dalhin ang uwi niya ng sitahin siya ng kanyang ina.



"bakit parang iba ang gamit mong perfume?"

"ho?" aniya at inaamoy pa ang sarili. "iyong dati pa rin naman ang pabango ko Mama"


nangingilap ang mga mata ni Sam at hindi maiwasang kabahan. naaamoy din niya ang pabangong tinutukoy ni Neri. familiar din sa kanya ang gamit na pabango ni Mark at gaya ni Neri, naghihinala rin siya na pabango iyon ng babae. ibang babae, obviously.


"magbibihis lang ako then kumain na tayo habang mainit pa ang food" sabi ni Mark na hindi tiningnan ang isa man sa mg kasama.


inihanda na ni Sam ang table. si Neri naman ay nag-iisip na ng sasabihin sa anak mamaya. hindi niya mapapalampas ang ginawa ni Mark, not while Sabrina is around.


kaunti lang ang kinain ni Sam. nag volunteer na si Mark na siya na ang magliligpit ng pinag kainan nila. nagpaalam na si Sam na papasok na sa room. ngunit isang sorpresa ang nadatnan niya. hindi maayos ang pagkakalagay ni Mark sa hinubad nitong damit sa laundry basket kaya inayos ni Sam. ngunit natigilan siya nan mapansin ang bahid ng lipstick sa may kwelyo ng shirt ni Mark.


Pakiramdam ni Sam ay unti unting nauubos ang lakas niya. ipinaloob na niya iyon sa basket at nahiga na sa bed. tahimik siyang napaluha at di naman masisi si Mark lalo pa at alam niyang wala itong gusto sa kanya. siya lang ang nag-iilusyon. lalaki si Mark at mapusok. maaaring dahil sa kalasingan ay inakala nitong girlfriend ang nakatabi.


She must save herself from her miseries. kailangan na niyang lisanin ang tahanang ito. nakakahiya ang nangyari sa kanya! ngunit ano ang sasabihin niya kay Mark, nagseselos siya? No!


naisip niya si Neri. she's always been so good to her. para siyang tunay na anak kung ituring nito. kung napagsisilbihan man niya si Neri, hindi nya ito maituturing na sakripisyo dahil mabait ang ginang at hindi naman siya nahihirapan.


magpapalipas pa siya ng mga ilang araw at saka makikipag usap kay Mark. hindi pwede ngayon dahil baka maghinala ito na nagseselos siya gayong alam naman ni Mark na naririnig niya ang paninita ni Neri.


ngayong kumbinsido na siya na may babe si Mark, mas nararapat siguro na mag asawa na ito at patirahin ang babaeng iyon dito kapalit niya. siya naman ay haharapin ang buhay na sadyang nakalaan sa kanya.


nananakit na ang ulo ni Sam sa madalas na pag iyak. nagpasya na siyang kontrolin ang emotion dahil baka datnan pa siya ni Mark sa ganoong situation. sa palagay niya ay walang nalalaman si Mark sa namagitan sa kanila. kung meron man, binabalewala lang nito dahil wala naman talaga itong pagtingin sa kanya. ipinamumukha pa nito sa kanya ang kawalang halaga niya. nawala man ang iniingatan niya, sinong makapagsasabi ng totoo? hindi ko iyon aaminin sayo para pagtawanan mo lang ako, Mark. masakit man.


dalawang oras pa ang lmipas ay pumasok na rin sa room nila si Mark. nakita niyang nakapikit ang dalaga. marahan siyang umupo sa bed at pinakiramdaman ang dalaga. napansin niya ang hinubad niya, maayos na ang pagkakalagay sa laundry basket.


ano kaya kung kausapin ko na siya? pero mukhang natutulog na. God, namumugto ang mga mata niya. huminga ng malalim si Mark. maybe this is not the right time. bukas na lang, kung apektado siya ngayon, malamang hindi kami magkakaintindihan ngayon.
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 2:52 am

Re: All for LOVE (Samantha)
Chapter 9


Almost three a.m. nang maramdaman ni Sam ang pagdantay ng braso ni Mark sa ibabaw ng tummy niya. mababaw lang ang naging tulog niya at mabilis na bumabalik ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw sa gunita niya. tuluyan ng nagising ang dalaga. marahang inalis ang kamay ng binata at tinalikuran niya ito. ipinikit lang niya ang mga mata kahit ayaw ng dalawin ng antok. ilang minuto pa ang lumipas nang may maramdaman si Sam sa paligid. parang narinig niyang may kumakaluskos sa kabilang room. wala naman sigurong magnanakaw sa paligid. patuloy lang na nakikiramdam si Sam. hindi kaya si Mama Neri, yon? Baka may kailangan siya.


Sandaling natahimik ang paligid. inisip ni Sam na baka guni-guni lamang niya iyon. ngunit di niya mapigil ang kabang nadarama. marahan siyang tumayo at maingat na lumabas. madilim ang paligid pero may naririnig siyang kaluskos mula sa kusina. lalong dumalas ang kaba ng dalaga. nakayakap lamang siya kaya naiiwasan niyang makalikha ng ingay. naisip ng dalaga na kung may intruder sa bahay, kailangan niyang maging handa. hindi pa naman sigurado na may ibang tao nga roon kaya minarapat niyang magmatyag na muna nang nag-iisa. maingat niyang tinungo ang kinaroroonan ng figurine at kinuha iyon upang may maipandepensa sa sarili kung sakali.


Naka-off ang ilaw sa kitchen pero lalong lumalakas ang kaluskos. may napansin siyang liwanag kaya napasilip siya. halos tumigil ang hininga niya sa pagkabigla. natutop ni Sam ang bibig niya at naluluhang naiiling. Niloko niyo ako! Niloko niyo ako! matapos uminom ay isinara na ni Neri ang ref. kasabay niyon ay naglaho ang liwanag na dala niyon. binuksan na niya ang dalang flashlight at nagsimula nang humakbang pabalik sa silid niya.


mabilis namang kumubli sa Sam sa likuran ng sofa. umalis lang doon ang dalaga nang makalagpas ang ginang at masiguro niyang nakabalik na ito sa silid niya. nanghihinang umupo sa sofa si Sam. ngayon alam na niyang hindi totoong paralitiko si Neri, wala ng dahilan para magtagal pa siya sa bahay na ito. noon din ay nagpasya si Sam na babalik na sa Pilipinas. tumawag si Sam sa airline upang magpa reserve ng flight patungong pilipinas. madalang ang bumibiyahe nang panahong iyon kaya siniguro sa kanya ng kausap na makakauwi siya sa araw na iyon.


Pinlano ni Sam ang mga sumusunod pang gagawin. bumalik na siya sa silid at muling nahiga. pag alis ni Mark mamaya ay ihanhanda na niya ang mga gamit niya. hinintay ni Sam na magising si Mark at tulad kahapon, nagkunwari siyang tulog. masamang masama ang loob niya kay Neri, itinuring pa naman niya itong parang ina. wala na siyang balak pang kausapin pa ito. nang makaalis si Mark ay kaagad niyang inihanda ang suitcase niya, pagkatapos ay gumawa siya ng letter para sa mag-ina.


Hapon pa ang flight ni Sam pero kailangan niyang makarating sa airport nang mas maaga. after lunchtime ay nagpapahinga sa room nito si Neri. sasamantalahin ni Sam ang pagkakataong iyon na makalabas ng bahay. nakatulog si Neri at alas kuwatro na nang hapon nagising. wala si Sam sa paligid, inisip niyang nakatulog din ito kaya hindi na niya hinanap.


Nang tumunog ang telephone ay si Neri na rin ang sumagot


"hello?"

"Ma..."

"O, Hijo..."

"huwag na kayong magluto ng hapunan. mag-uuwi na lang ako ng pagkain. I'm on my way home"

"tamang tama, natutulog pa si Sabrina, hindi ko na aabalahin para magluto"


napangiting sabi ng ginang. naramdamman niya ang sigla ng tono ng anak, marahil ay natauhan na ito at gustong bumawi sa dalaga. nasa salas lang si Neri at nanonood ng TV. Humalik si Mark sa ina at napansin naman ni Neri ang mga bulaklak na dala ni Mark. ngumiti ang ginang.


"hindi ako magtatampo kung di man ako ang pagbibigyan mo niyan"


Kinindatan lang ni Mark ang ina at inilapag sa centertable ang pagkaing uwi niya. pagkatapos ay tumuloy na siya sa bedroom nila ng dalaga para sorpresahin ito. ngunit siya ang nasorpresa ng blangkong room. humahangos niyang tinungo ang ina.


"Mama..."

"bakit, hijo?"

"sabi niyo natutulog si Sab. bakit walang tao sa room?"

"baka naman nasa bathroom?"


kinakabahan si Mark pero iniisip pa rin niya ang posibilidad sa sinabi ng ina. si Neri naman ay pinagulong ang wheelchair at napasunod sa anak. lumikha ng ilang pagkatok si Mark sa pintuan ng bathroom. nang walang makuhang tugon ay nangahas siyang pihitin ang knob at agad namang nabuksan ang door.


"She's not here!"


lalong lumakas ang kaba ni Mark.


"anong wala?"


kinakabahan na sabi ni Neri


"hindi ako iiwanang mag isa ni Sabrina dito dahil sa kalagayan ko. i know her"

"pero nasaan siya, Mama?"


parang masisiraan ng bait na sabi ni Mark. naisipang niyang buksan ang closet na pinaglalagyan ng damit ng dalaga. wala na ang mga gamit ng dalaga. kapuna-puna ang dalawang envelope na naroon.


"I...I think this one is for you"


medyo nanginginig ang tono ni Mark. wala pa naman siyang nababasa ay kinatatakutan niya ang nilalaman ng liham.


Mark,
I guess i have nothing to explain to you anymore. i've wasted some time of my life with you and your mother. kung ano man ang naging kasalanan ko sa'yo pinagbayaran ko na yon nang higit pa sa nararapat. Huwag mo na akong guluhin, Mark. ang alam ko lang, hindi niyo na ako kakailanganin pa.


Sabrina


Napasulyap si Mark sa ina at nanghihinang umupo sa kama


"ang laki kong gag*! sinaktan ko siya Mama"


hindi kaagad nakapagsalita si Neri. napahagulhol siya dahil sa nilalaman ng letter. maikli lang iyon pero sapat na para maramdaman niya ang sakit na naidulot niya sa damdamin ng dalaga.


Mrs. Andrade,
You made a fool out of me. I didn't realize that until this day, 3:45 a.m.

Sabrina


"I'ts not your fault, Mark"

"i think it is, Mama" kung kailan gusto kong sabihin sa kanya ang totoo, saka naman niya ako iniwan. sana kahapon ay kinausap ko na siya"

No, you dont understand" sabi ng ginang at tumayo mula sa kinaluluklukang wheelchair.


"M---Mama?!?" daig pa ni Mark ang makakita ng multo...

"wHY???" puno ng hinanakit angtono nito.

"I'm sorry, son. please let me explain..." ani Neri habang hindi maampat sa pag iyak
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 3:04 am

Re: All for LOVE (Samantha)
Chapter 10




si Sabrina mismo ang sumundo kay Samantha sa airport. tinawagan ni Sam ang kakambal para magpasundo sa driver pero minabuti niyang siya na mismo ang sumundo sa kapatid. naghihinala siyang may kakaibang nangyari sa panahon nang pamamalagi ni Sam sa amerika. mahigpit ang yakap ni Sam kay Sab nang salubungin siya nito. kaagad na hinila ni Sabrina si Samantha patungo sa sasakyan.



"what happened?"


umiling lang si Sam...


"are you all right? hindi ka ba talaga magsasalita?"

"pag uwi na lang please"


habang nasa biyahe ay tahimik ang dalawa. manaka- naka ay sinusulyapan ni Sab si Sam. madalas niya itong nahuhuling nagpapahid ng luha. napapailing na lang siya at napabuntong hininga na lang.


One week later. nasorpresa ang totoong Sabrina nang may madatnan siya sa opisina nang araw na iyon. ngunit pinanatili niyang matatag ang sarili.


"what are you doing here, Mark?"


saglit na natigilan si Mark dahil parang naninibago siya sa kaharap.


"I---I guess we really need to talk"

"sa loob tayo mag-usap. pakidalhan mo kami ng kape" aniya sa nadaanang secretary

"kasama ko ang Mama, naiwan lang siya sa hotel ngayon. nakikiusap siya na sana ay harapin mo naman at pakinggan, Sam. magpapaliwanag siya kung bakit kinailangan niyang magsinungaling"

"what for, Mark?"


Iba talaga ang kutob ni Mark. kahit halos hindi masasabi ang pagkakaiba ng kambal, para bang kilala niya ang babaeng nagpatibok ng puso niya sa pamamagitan ng mga mata nito.


"i had this feeling that you're not Sabrina"

"bakit, dahil ba mukhang tanga ang babaeng nakasama mo sa states at hindi mo na kayang bilugin ang ulo ko ngayon?"

"i'm sorry, that's not what i mean. gusto kong humingi ng tawad" aniya at yumuko si Mark


Sabrina considered a moment to study his gesture


"hindi ba sinabi kong wag mo na akong guguluhin?"

"nakukunsensiya ako, Sabrina!"

"i'm glad at meron ka non. gusto kong sabihin sa'yo na kaya kong burahin sa alaala ko ang panahong inilagi ko sa inyo ng Mama mo. kung anuman ang problema ninyong mag-ina, hindi na ako magpapagamit pa sa inyo. wag kang magkakamaling pagbantaan ako gaya noon dahil babaliktarin ko ang sitwasyon ngayon. hindi mo lubusang kilala ang family ko at kung ano ang kaya naming gawin, Mark. If i were you, i'll go back to the states and make a life! if you'll excuse me, i have so many things left undone"

"luluhod ako sa harapan mo para mapatawad mo lang ako Sabrina" puno ng emosyong sabi ni Mark.


bagama't hindi nagpahalata, nabagabag naman ang damdamin ni Sabrina.


"i tell you, it doesnt make sense"

"i know how much i hurt you. pero malakas ang kutob ko na may namagitan sa atin, aminin mo man o hindi. wala bang halaga sa'yo ang sarili mo? I LOVE YOU Sabrina! marami pa akong gustong ipaliwanag sa'yo..."


ikinagulat ni Sab ang nalaman niya kay Mark. hindi niya akalaing umabot sa ganoon ang lahat. ang alam niya ay niloko sila ng ina ni Mark. sa labis na hinanakit sa nangyari sa kapatid ay hindi niya napigilang sampalin si Mark.



"how dare you!" sabi ni Sabrina at napaiyak


hahawakan sana ni Mark si Sabrina pero pinigilan siya ng dalaga sa pamamagitan ng pagtaas ng isang kamay.


"Bullsh*t!" galit na sabi ni Sab "ayoko ng marinig ang mga sasabihin mo. hindi ako ang nakasama mo kundi si.....ang kakambal kong si Samantha"

"what???" si Mark naman ang nagulat pero kaagad na nakabawi. "kaya pala iba ang pakiramdam ko"

"how dare you!" paulit ulit na naiiyak na sabi ni Sabrina kay Mark. "alam mo kung ano ang pagkakaiba namin ni Samantha? masyado siyang mabait at mapagbigay, tuloy napapahamak siya!" at muli na namang naiyak.


"i'm so sorry. pwede ko ba siyang makausap?"

"ewan ko kung dapat pa ba?"

"please...parang awa mo na. sa panahon ng pamamalagi niya sa amin, napamahal na siya ng tuluyan sa akin"

"ayokong madagdagan ang sakit na nadarama ng kapatid ko, Mark. iba na siya nang bumalik mula sa states. mula sa pagiging malambing, naging malungkkutin na siya. minsan kasalanan din niya kung bakit nagiging maldita ako sa kanya dahil ini-spoiled niya ako. can't you see? she doesn't deserve this! gusto kitang patayin, alam mo ba un?"

"i know" ani ni Mark at namagitan ang katahimikan...
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 3:05 am

Re: All for LOVE (Samantha)
Chapter 11

"Good afternoon!"

"Good afternoon" ganting bati ni Andrea (ang Mama ni Sam at Sab) sa di nakikilalang panauhin.


lumabas si Rafael mula sa gallery at nakita niya na may kausap ang asawa.


"Good afternoon Sir!"


napahakbang palapit sa dalawa si Rafael


"Good afternoon!"

"ako po si Mark Andrade"

"have a seat. what can we do for you, Mark?"

"K---kaibigan po ako ni Sam"

"oh, she's here. na-miss daw kami kaya dito siya natulog kagabi. sandali, tatawagin ko"

"sandali lang po, kayo po ang sadya ko"

"a---ako?" nagtatakang tanong ni Rafael

"opo. kayo po"


biglang kinabahan ang mag-asawa pero minarapat nilang pakitunguhan ang lalaki


"malaki ho ang kasalanan ko kay Samantha"


kumunot ang noo ni Rafael...


"anong ibig mong sabihin?"


yumuko si Mark


"gusto ko hong pakasalan ang inyong anak"

"ano???" magkapanabay na tanong ng mag-asawa sa pagkabigla

"bigla ka na lang susulpot dito at hihingin mo ang kamay ng anak ko. bakit mag nobyo ba kayo?" ani ni Rafael na nagsisimula ng uminit ang ulo

"alam kong kahit sinong magulang ay magagalit sa nagawa ko. pero hayaan niyo sana muna akong magpaliwanag. nakahanda ho akong tanggapin kung anumang parusa ang igawad niyo sa akin. wala na akong ililihim dahil gusto kong patunayan na malinis ang intention ko sa anak ninyong si Sam at mahal ko siya"


mahigpit ang pagkakagagap ni Andrea sa kamay ng asawang si Rafael kaya pinilit ng lalaki na magpakahinahon


"sige, magpaliwanag ka" ani Rafael kahit halos umakyat na sa ulo ang dugo nito sa tension


shock na shock ang mag-asawa sa narinig. maging si Andrea ay walang makuhang sabihin. nanginginig sa galit si Rafael nang tumayo ito para umbagin si Mark.


"Papa, wag!"


ngunit nagawa na ni Rafael ang marahas na action. nilingon nito ang paparating na si Sabrina


"ako ang nagpapunta sa kanya rito. hinamon ko siya na sabihin niya sa inyo ang totoo. i was anticipating this to happen. kanina pa dapat ako umuwi kaya lang may dumating sa office, hindi ko maiwan"

"anong kalokohan itong pinaggagawa ninyo, Sabrina?" ibig bang sabihin nito ay hinayaan mong gawin ito ni Sam. paano kung napahamak ang kapatid mo?"

"i'm so sorry, Papa. pero hindi naman namin akalaing aabot sa ganito ang situation. isa pa, nagpupumilit din noon si Sam"

"sorry??? bakit hindi niyo agad pinaalam sa amin ng Mama mo?"

"si Sam naman kasi Papa, lagi na lang siyang nagpapakabayani. hindi ko malaman kong tanga or nagtatanga-tangahan!"


ang hindi alam ng lahat ay nasa dulo ng hagdanan si Sam at narinig ang sinabi ni Sabrina. napaluha ang dalaga. maya-maya ay isang bisita pa ang dumating.


"Mama!" nagulat na sabi ni Mark

"i'm sorry, hijo, hindi ko matiis na hayaan kang magpaliwanag nang nag-iisa dahil ako ang may kasalanan kay Sam"

"Babae ang anak ko, hindi ako papayag na maagrabyado siya" ani Rafael


parang sumakit bigla ang ulo ni Andrea.


"sandali lang, hindi natin pwedeng pangunahan ang damdamin ng anak ko"

"bakit, Sabrina?" puno ng hinanakit na tanong ni Samantha na ikinagulat ng lahat

"Sam...i'm sorry"

"No, you're not! nagbayad na ako sa katangahan ko, gusto ko lang ng katahimikan. bakit hindi mo ako napagbigyan? i decided to do that because I CARE FOR YOU. ito pa ba ang maririnig ko sayo?" nanghihinakit pa ring sabi ni Sam kay Sabrina


"Sam, hija, pakinggan mo sana ang paliwanag ko" sabat ni Neri

"utang na loob, umalis na kayo! umalis na kayo!" sigaw ng dalaga

"you heard my daughter" ani Rafael

"No, wag kayong aalis!" pagmamatigas ni Sabrina

"shut up Sabrina! sa pagkakataong ito ako pa rin ang masusunod dahil ako ang ama ninyo. magkikita na lang tayo sa korte" sabi nito sa mag-ina. "hindi ko na ito mapapalagpas. pinagbantaan niyo ang anak ko kaya napilitang tumira sa inyo"

"just let them go, Papa. hindi sila kawalan sa akin" sabi ni Samantha. "gusto ko lang ng katahimikan please"


napailing si Rafael. "all right, since ikaw lang ang inaalala ko, pagbibigyan ko sila. umalis na kayo"

"hindi ka matatahimik hanggat hindi mo tinatanggap ang totoo Samantha" giit pa rin ni Sabrina

"SHUT UP!" hindi na napigilang bulyaw ni Samantha sa kakambal na si Sab

"sinabi ko kay Mark na mahal mo rin siya. im sorry hindi ko lang matanggap na mauwi lang sa ganito ang pagsasakripisyo mo"


lumuluhang nilapitan ni Sam ang kapatid at sinampal


"how dare you!"


tinanggap iyon ng buong puso ni Sabrina


"i deserve it"


umiling si Sam at napaatras


"Dear God!" nasabi ni Andrea at napaupo sa sofa

"Sam..." tawag ni Mark


hindi lumingon ang dalaga. tuloy tuloy lang ang pagtakbo nito patungo sa room niya. hindi maiwasan ni Mark ang mag-alala nang labis. inisip niyang hindi lang nasaktan kundi napahiya rin. baka makaisip itong gumawa ng kung ano kaya sinundan niya ito. aawatin sana ni Rafael ang binata pero hinila siya ni Andrea sa kamay.


"kung totoo ang sinabi ni Sabrina, pabayaan na natin silang ayusin ang gulong ito. kung ano ang mapagkasunduan nila pagkatapos mag-usap, dapat natin yong igalang"


wala ng nangahas pang magsalita...
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 3:06 am

Re: All for LOVE (Samantha)
Chapter 12





"Sam...papasukin mo ko please...let me explain everything. nagbago na ako. i beg you, forgive me..."


galit na binuksan ni Sam ang pintuan.


"anong gagawin, pakakasalan mo ako tapos kung sinu-sinong babae ang papatulan mo? go to hell, Mark!"

"magmula ng tumira ka sa bahay, hindi na ako nagkaroon pa ng kaugnayan sa ibang babae"

"Liar! nagkakamali ka kung inaakala mong tanga ako, Mark"

"i know you're not. dahil ba sa pabango at lipstick sa shirt ko?"


ayaw ng sagutin ni Sam ang tanong na iyon.


"obviously iyon ang dahilan kaya nasabi mo ang bagay na iyan. sinunod ko lang naman ang advice ni Erwin para malaman kung may pagtingin ka rin sa akin

"so para malaman mo kung magseselos ako, nambabae ka nga?"

"wala sabi akong babae!" napataas na rin ang boses ni Mark. dinig iyon hanggang sa baba kaya nagkatinginan ang mga nakaupo sa sofa."doon kami nag inuman ni Erwin sa bahay nila. nilagyan niya ng pabango at lipstick ng mommy niya ang shirt ko. believe me it was entirely his idea. i know its crazy but that's the truth"

"kahit ano pa ang sabihin mo, hindi pa rin tamang paglaruan mo ang damdamin ko"

"kaya ko lang naman nagawa yon dahil takot akong mapahiya sayo. nasabi ko kasi na hindi ako magkakainteres sayo. pero nagkamali ako. inisip ko noon na kung talagang walang halaga sayo kung ma-involve man ako sa iba, ililihim ko na lang ang nararamdaman ko. Sam, i'm not perfect but i'm willing to change just for you. becuase...i love you..."


lumapit si Sam sa binata at pinagbabayo ito sa dibdib. "i hate you, Mark! i hate you! i hate you!"


"sige, ilabas mo lahat ng galit mo sa akin. it could help you ease the pain" ani Mark


hinayaan ang dalaga sa ginagawa nito. pero kusang tumigil si Sam at tinalikuran ang binata. ipinatong ni Mark ang mga kamay niya sa balikat ng dalaga.


"marami kang dapat malaman kung bibigyan mo kami ng Mama ng pagkakataong magpaliwanag. you have no idea how you touched our lives. alam mo bang twenty years na ang nakalilipas nang huling tumapak sa Pilipinas ang Mama? wala na siyang balak bumalik pa dahil sa di magandang nakalipas. ikaw lang ang nakapagpabalik sa kanya, Sam..."


biglang humarap si Sam kay Mark, nagtatanong ang mga titig niya. pinahid ni Mark ang luha ng dalaga at tumango.


"gusto sana niyang siya mismo ang magtatapat sayo ng buong katotohanan. nais niyang marinig ang pagpapatawad mo. In a way she lied to you, but her affection towards you was real. you we're the answer to her prayer. We love you Sam"


pumikit si Samantha...


"God..." she groaned


lakas-loob na kinabig ni Mark si Sam palapit sa kanyang dibdib. this time wala ng pagtutol sa dalaga. umiyak na lang siya sa dibdib ni Mark. hinaplos ni Mark ang likod ni Sam at hinagkan ang buhok nito.


"Hush, Baby...lets start a new life together, the right way. iyong walang pagkukunwari. could we?"


aniya at bahagyang inilayo sa kanya ang dalaga para makita ang reaction nito...


"heto na naman ba ako, Mark, magpapakatanga?"


ngumiti si Mark...


"you're not stupid Baby, you're just honest and giving. ako ang malaking tanga kung pakakawalan pa kita"

"what now?" nalilitong tanong ng dalaga sa kawalan ng masabi.

"let's get married"

"what?" medyo natatawang tanong ni Sam.

"sa palagay mo ba mangangahas akong mag-imbento ng kuwento sa mga parents mo kung wala akong intention na pakasalan ka?"

"a---anong sinabi mo sa kanila?"

"hindi mo ba narinig kanina?"


umiling si Samantha...


"ang narinig ko lang ay ang sinabi ni Sabrina"

"i told them that something happened between us in the states. kung hindi agad dumating si Sabrina baka napatay na ako ng Papa mo. iyon din ang idinahilan ko kay Sab para mapilitan siyang iharap ka sa akin"


Biglang nalito si Sam...


"inimbento mo lang yon?"


hindi makapaniwalang tanong ni Sam na nagpagulo rin sa isipan ni Mark...


"i wish it did happen"



natigilan si Sam. kung ganoon ay wala talagang natatandaan si Mark sa nangyari sa kanila...


"what gave you that idea?" nakuhang itanong ng dalaga

"madalas kitang napapanaginipan"

"you we're just dreaming?"


natigilan si Mark sa sinabi ni Sam...


"meron ba akong dapat malaman Sam?"


mabilis na umiling si Sam...


"wala" nangingilap ang mga matang sabi niya.


pero iba ang kutob ni Mark..."there's always a way to find out everything"


hinila niya sa kamay ang dalaga...


"halika sa baba, makipag usap tayo sa kanila"

"saka na lang Mark. i don't think i'm ready. hindi pa nakakabawi ang family ko sa shock"

"gusto ko lang mapanatag sila. kung ayaw mo pang magpakasal, nakahanda akong maghintay. ang importante ay hindi na sila mag-alala pa. ayaw mo pa naman siguro akong ipapatay?"


nakangiti si Sam at napasunod na lang kay Mark. halos magkapanabay na napaangat ng tingin ang mga nasa salas nang makita nilang hila-hila ni Mark si Sam sa isang kamay. naupo ang dalawa sa harapan ng mga magulang ng dalaga. hindi magawa ni Sam na salubungin ang tingin ng mga magulang.


"siguro naman ay nakapag-usap na kayong dalawa?" ani Rafael

"Yes, Sir. muli ho akong humihingi ng tawad dahil sa gulong nangyari. gusto ko lang hong ulitin sa inyo na mahal ko si Sam. I've learned that the feeling is mutual"

"ang importante sa akin ay naayos na ang gulong ito at hindi magiging talunan ang anak ko"

"iyan din ho ang hinahangad ko. but she's not yet ready to get married"

"kung ganoon ay wala nang problema. siguro nga ay kailangan nyo na rin ng panahon para mapaghandaang mabuti ang lahat" ani Rafael


Huminga ng malalim si Mark.

"gaya niyo ayoko ring maging unfair sa magiging anak ko"


parang bomba na namang sumabog iyon sa pandinig ni Rafael.


"you mean, Sam is pregnant?"

"Mark!" apila ni Sam at biglang binalingan ang ama..."hindi totoo yon Papa..."

"are you kidding me, young man?" matigas ang tono ni Rafael nang tanungin si Mark.

"Sam please let me tell them the truth. kailangang matapos na to" baling ni Mark sa nag aalalang dalaga


napipilan ni Sam ang helplessness...


"nahihiya siyang malaman ninyo ang kundisyon niya kaya gusto niyang ipagpaliban pa ang pagpapakasal. but what's the point? we love each other, kawawa naman ang anak ko. hindi ko alam kung may iba siyang binabalak"

"alam mo Mark, pinasakit mo nang husto ang ulo ko pero palagay ko ay tama ka" ani Rafael na binalingan si Andrea.

"tama ang Papa mo hija" ani Andrea sa anak. "alam mo ang tradition ng family perosa kaso mo, hindi naman ito pakikialam dahil mahal naman ninyo ang isa't isa. kailangan nyong magpakasal as soon as possible. at huwag na huwag mong isiping ipalaglag ang bata para lang makaiwas sa usap usapan"

"Mama, hin----"

"tama na" putol ni Rafael sa sasabihin ni Sam

"ano hong masasabi niyo Mrs Andrade? ani Rafael sa Mama ni Mark

"sa palagay ko ay tama kayo"

"sige asikasuhin nyo na ang dapat asikasuhin, sagot ko ang gastos" ani Rafael

"salamat po. pero hindi na kailangan. may naipon naman po ako"

"alam ko. pero wag nang matigas ang ulo mo. gawin nyong sinasabi ko. ilaan mo na lang ang pera mo sa negosyong pwede mong ipundar dito sa Pilipinas. doon sa Amerika may amo ka, kung gusto mong maglaan ng mas mahabang panahon sa pamilya, di mo agad agad magagawa. isipin mo ang sinasabi ko"


napatingin si Mark sa ina.


"tama ang Papa ni Sam, Hijo. malaki na ang pinagbago ng Pilipinas, sa palagay ko ay mas masarap pa ring mamuhay sa sariling bayan"


ginagap ni Sam ang kamay ni Mark at tinanguan...


"hindi ka man magsalita alam ko ang iniisip mo. itabi mo yang pride Hijo, walang maidudulot na maganda yan. ang mahalaga, nagkakasundo kayo at mahal mo ang anak ko"


parang babagsak ang luha ni Mark nang mga sandaling yon pero sinikap niyang wag patangay sa emotion...


"hay naku, nadagdagan na naman ang mga anak ko" ani Rafael at tumayo


nagsitayuan na rin ang lahat. lumapit si Mark kay Rafael at inilahad ang palad.


"maraming salamat po"


nakipagkamay naman si Rafael kay Mark at tinapik ito sa balikat.


"mag check out na kayo sa hotel, dito na muna kayo tumuloy"

"salamat, balae" ani Neri at binalingan si Sam..."maaari ba kitang makausap nang sarilinan, Hija?"


tumango si Sam...


"doon na lang po tayo sa room ko"

"magpapahanda ako ng pagkain, habang nag uusap kayo" ani Andrea at niyaya si Sabrina patungo sa kitchen.


naiwan sa salas sina Mark at Rafael...
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Mon Oct 05, 2009 3:07 am

Re: All for LOVE (Samantha)
Chapter 12




"I'm so sorry, hija" ani Neri at ginagap ang isang palad ng dalaga.

"kalimutan na po natin iyon, Mama"

"salamat at tinawag mo uli akong Mama. gusto ko pa ring ipaalam sayo ang dahilan. kahit hindi umeksena noon ang kakambal mo sa kasal ni Mark, talagang gagawa ako ng paraan para hindi yon matuloy. alam kong mali pero pinagsabihan ko na iyon at naipaunawa ko na rin kay Mark. hiniling ko noon sa diyos na magmilagro sa araw ng kasal at ikaw ang ibinigay niya"

"ako po?"

"napakaliit talaga ng mundo. wala na sana akong balak pang ipaalam sa mga anak ko ang kuwento sa likod ng pagkamatay ng kanilang ama. sa palagay ko ay mauuwi rin sa paghihiwalay ang relasyon nila ni Cyril ang babaeng kasama ng asawa ko sa kotse nang maaksidente ito. They were lovers. magkakasama kami sa ospital noong bago pa ako mag resign bilang nurse"

"paano nyo nalaman?"

"because we had a fight two days before the accident happened. gusto na niyang makipaghiwalay sa akin. inilihim ko iyon sa mga bata. i only find out who was the woman behind when Cyril's father told me about his suspicions. minanmanan niya ang galaw ng asawa niya at may natuklasan siya"

"my God, don't tell me..."

"sa akin lang niya sinabi ang totoo, Sam, at kailan ko lang ito ipinaalam kay Mark. kung hindi ko napatunayang mahal ka ng anak ko maaaring hindi na niya nalaman pa ang totoo"

"i know this is not easy for you, huwag nyo nang sabihin ang iba pa, nauunawaan ko na ho kayo"


ngumiti lang si Neri...


"natanggap ko ng lahat. he didn't kill them, maaaring siya ang dahilan. natuklasan ng dalawa na nakabuntot ang sasakyan ng ama ni Cyril sa kanila kaya binilisan nila ang pagmamaneho. natakot marahil sila sa maaaring gawin ng ama ni Cyril"

"paano kung nagkatuluyan nga sina Mark at Cyril?"

"ewan ko, ang mahalaga ay tapos na ang ugnayan ko sa kanila dahil sayo. halos patayin ko noon ang sarili ko sa pagtatrabaho para lang maitaguyod at mapag aral ko ang dalawa kong anak. but i'm not bitter anymore dahil mapagmahal ang mga anak ko. lalo pa ngayong papalaki na ang pamilya ko"

"Mama, its not true, imbento lang ni Mark ang pagbubuntis ko"

"Hija, kapag pinagdudahan ko siya, baka hindi niya ako mapatawad. He's desperate to have you. galit na galit siya sa akin nang araw na umalis ka. may dala pa siyang pasalubong at mga bulaklak. Remember what i've told you? kinain niya ang mga sinabi niya na hindi na siya manunuyo pa ng babae"

"paano nyo nga pala napaniwala ang lahat tungkol sa kalagayan ninyo?"

"may kaibigan akong doctor at siya ang tumingin sa akin. kasama iyon sa plano ko. Patawad Hija..."


ngumiti si Sam at iniawang ang mga braso niya sa ginang...


"wala na iyon, Mama"

"salamat hija"

"ang mabuti pa ay magpahinga muna kayo sa guest room, alam kong pagod na kayo. mamaya ay ipakikilala ko kayo sa lola josefina ko. nakatulog siya bago kayo dumating. kakausapin ko muna si Sabrina"


ngumiti si Neri at tumango. nang bumaba sa hagdanan si Sam ay nakita niya sina Rafael at Mark na nasa bar. nakatalikod ito sa direction niya kaya hindi na niya inabala pa. natagpuan niya ang ina at ang kakambal sa kitchen...


"Sab, can i have a moment with you?"


sabay na napalingon ang mag ina. nilingon ni Sabrina ang kanyang Mamang si Andrea...


"sige Hija, ako nang bahala rito" ani Andrea at nginitian ang mga anak.


pumasok ang dalawa sa music room at saka pa lamang nagsalitang muli si Sam...


"I'm so sorry kung nasampal kita kanina"

"wala yon, kalimutan mo na iyon. ako nga dapat ang humingi ng sorry sayo. alam ko naman na ako ang blacksheep sa family eh!"


mabilis na niyakap ni Samantha si Sabrina...


"oh, please don't say that. dahil sa ginawa mo, napatunayan kong concerned ka rin pala sa akin. Thank you, Sab..."

"wala akong ginawa kundi ipasalo sayo ang consequences ng mga kalokohan ko. tuloy makakapag asawa ka ng wala sa oras" napahagulhol na sabi ni Sabrina

kinalasan ni Sam ang kapatid at pinahid ang luha nito...


"that's why i'm so thankful. kung hindi dahil sayo, hindi ko makikilala si Mark"

"sigurado ka bang masaya ka?"

"very much"


umirap si Sabrina..."buti ka pa!"


bahagyang natawa si Sam at pinahid ang luha sa gilid ng mata niya...


"hindi ka pa rin nagbabago"

"sa akin mo ihagis ang boquet sa araw ng kasal nyo ha?"

"hindi ko na ihahagis, iaabot ko na lang sayo para sigurado"


masayang lumabas ang dalawa at magkaakbay pa ito nang bumalik sa kitchen na para bang walang nangyari.


"salamat naman at nagkasundo na ang kambal ko" ani Andrea

"Ma..." ani Sam

"yes, Hija?"

"pwede po bang tawagin niyo na ang Papa?"

"hindi ba nag-uusap lang sila ni Mark"

"ayokong malasing si Mark"

"uyyy may binabalak..." tukso ni Sabrina

"loka! malakas humilik yon pag lasing"


ngumiti langsi Andrea...


"O siya, kumain na tayo para makapagpahinga nang maaga"..."hon, wag mo raw lasingin yang manugang mo sabi ng anak mo" biro ni Andrea kay Rafael.

"paano ko lalasingin ito eh halos ayaw ngang galawin ang ibinigay ko?"

"ayaw mo raw talagang uminom, tama ba ang narinig ko kanina?" ani Sam kay Mark nang mapag - isa na sila

"hindi naman ako lasenggo ano"

"hmmmmm bakit sa america halos gabi-gabi yata umiinom ka?"

"para makaiwas ako sa tukso. alam mo bang daig ko pa ang pinarurusahan tuwing nakakatabi kita? pero wala naman akong magawa"

"wala ka nga bang ginawa?"

"malakas ang kutob kong may nangyari. pero paano ko yon mapapatunayan, ayaw mo namang magsalita? now, would you like to confess?" aniya at dinaganan si Sam

"you're CRAZY! you expect me to tell you that while you're dreaming, you made love to me?"

"but the situation is different now, Baby. tell me the truth"

"NO!"


pinagapang ni Mark ang mga kamay niya sa likod ni Sam...


"did i force you, Baby?" he said teasingly. sinundan pa yon ng paghalik ni Mark sa buhok ng dalaga.

napapikit si Sam. "Mark..." she groaned

"aminin mo na please..."

"we---we made..."


tumigil si Mark...


"really???"


namula si Sam...


"gusto mo akong pagtawanan? iniisip mo ba na ako ang nag initiate ng bagay na yon?"

"of course not. masyado kang defensive, hindi ko lang akalain na maiisahan mo ako"

"what did you say?"

"shhh...gusto ko lang makabawi. I've missed half of my life. kaya nga ayoko talagang uminom ngayon. pwede bang replay yong nangyari?"


but his hands were already starting to get rid of her clothes...


"Mark, paano yong..."

"yong ano?" ani Mark ngunit hindi naman tinatantanan si Sam

"yong...yong...I---I forgot..." anang dalaga

"yeah you forgot to tell me that you love me too" bulong ni Mark

"i love you Mark"


halos hindi na mabigkas mabuti ni Samantha ang katagang yon...





-THE END-
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

All for Love (samantha) Empty Re: All for Love (samantha)

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum