Chatters-Existency
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

====the ring=====

Go down

====the ring===== Empty ====the ring=====

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Sun Oct 11, 2009 6:59 pm

Summer school nila Roxanne at kakagaling pa lng sa napakasakit na break up. Niloko kc xa ng dating boyfriend nyang si Chris. Isang araw nilapitan xa ng kaibigan nyang si Jenny . Dahil may gusto xang ipakilalang lalake kay Roxanne. Pero di namn pinapansin ni Roxanne lahat ng sinasabi ni Jenny. Wala pa kasi sa isip nya ang mga lalake. Maxado pa kasing masakit sa kanya ang lahat at natatakot pa na muling masaktan. Ilang araw ang lumipas pumunta silang magkakaibigan sa bahay nila gail. Naguusap sila at naglolokohan ng nag ring phone ni Jenny. Tapos maya maya gustong kausapin si Roxanne nung kausap ni Jenny. Pero ayaw namn kausapin ni Roxanne hanggang pinilit xang kausapin kahit for fun lang daw sabi ng kaibigan nya. kaya walang nagawa si Roxanne kinausap nya eto. Tinanung nya kung anung pangalan nung kausap nya John daw. Familiar kay Roxanne si John parang nag meet na sila somewhere di lang matandaan. Hanggang sa pinaliwanag ni John. Tama nga nagkakilala na nga sila dati. Naguusap sila sa computer at nanligaw pa nga eto sa kanya. Kaya lng di nya pinansin, boyfriend pa nya kasi si Chris nun. Matagal na rin gustong kunin ni John number ni Roxanne pero di nya namn binibigay. Kaya tinanung na lng nya kay Jenny ung number ni Roxanne at binigay nya. Kinagabihan nun tinawagan nya agad si Roxanne. Nagusap usap sila natanung rin ni Roxanne kung panu nya nakuha number nya. Magmula nun lagi na silang naguusap mas naging close pa sila at sometimes nagkikita din sila. At nagsimula na ring manligaw si John kay Roxanne. Di rin tumagal naging sila. Ilang araw naman lumipas nalaman ni Roxanne na may gusto si Jenny kay John at nasaktan si Jenny nung nalaman nya na silang dalawa na nga. Kahit ganung nalaman nya eto gumawa parin ng paraan si Jenny na makausap si John. Akala kasi ni Jenny na nililigawan xa ni John kaya kinakausap xa. Pero ang totoo kaya nya eto kinanausap dahil may gusto ung barkada nyang si Jed kay Jenny. Walang nagawa si Jenny kaya sinagot na lng nya si Jed. Na ang rason para lang mapalapit eto kay John. Di rin natagal nagkahiwalay rin sila ni Jenny at Jed. Dahil dun maslalong kinakausap ni Jenny si John. At gusto ni Jenny na maging sila ni John kahit lang friends with benefits. Pumayad na lng si John sa gusto ni Jenny. Dahil pag hindi mang gugulo si Jenny. Tinago ni John ung about sa kanila ni Jenny. Dahil ayaw nya masira ung relationship nilang dalawa ni Roxanne. Hanggang sa Nakakahalata na si Roxanne sa kanila ni Jenny at nababalitaan nyang lagi silang nagkikita ni Jenny. Pero di na lang nya eto pinansin may tiwala kasi xa sa boyfriend nya. Ilang araw lumipas tinawagan ni Roxanne si John di na kasi sila maxadong nakikita. Tinanung nya kung asan xa. Sabi naman ni John kasama nya si Ken kumakain lang sila. Kinagabihan asa bahay lang si Roxanne habang si John asa barkada nagiinuman sila. Tinawagan ni Roxanne si John para alamin kung okie lang xa. kinausap namn xa pero maya maya binigay ung phone kay Jed. Taga tagay kasi xa ng alak. kinausap namn ni Roxanne si Jed, kinamusta at nakibalita about sa kanila ni Jenny. Kahit wala na kasi sila ni Jenny at Jed naguusap pa rin sila. At naisipan ni lang i three-way si Jenny. Nagusap sila ni Jenny at Jed habang si Roxanne nakikinig lang sa pinaguusapan nila. Tapos na banggit naman ni Jed na nag movies sila ni Ken, Flor, John at si Jenny nung hapon na un. Nasaktan si Roxanne sa nalaman nya di na lng xa nagsalita. Nagkatampuhan kasi si Jenny at si Ken nung hapon na un. Binaba ni Roxanne ung phone tapos tinawagan ulit nya si John kinausap nya eto. Tinanung nya kung sino sino ba talaga ung mga kasama nya nung hapon na un. Walang nagawa si John kaya Sinabi nya lahat kay Roxanne ung sakanila ni Jenny. Ilang araw din di kinausap ni Roxanne si John. Hanggang nag sorry si John at nag promise xa lalayuan na nya si Jenny. Nilayuan nya nga si Jenny pinatawad na rin nya si John. Naging okie ulit lahat. Mahal na mahal ni Roxanne si John, bumalik rin lahat ng tiwala ni Roxanne kay John.
After 8months nagkakaproblema na sila. Napapabayaan na ni John si Roxanne at laging benanaliwala. Hanggang sobra sobra na ang trato at wala ng respeto si John kay Roxanne. Tinitiis lang ni Roxanne lahat sobra kasing mahal nya si John at di nya eto maiwanan. Hanggang sa di na talaga nakayanan ni Roxanne ang lahat. Kaya nilapitan nya ung friend nyang si Mike. Nilabas ni Roxanne lahat lahat ng sama ng loob nya kay John. Dinamayan ni Mike si Roxanne [ matagal ng may gusto si mike kay Roxanne, di makapurma dahil may boyfriend nga si Roxanne.] hanggang sa nahulog loob ni Roxanne kay Mike. At nagawang makipag break up ni Roxanne kay John. Isang linggo ang lumipas pinuntahan ni John si Roxanne sa bahay nila. Nakikipagbalikan si John kay Roxanne. Nagmamakaawa xa at sobrang nagsisisi sa lahat ng nagawa nya. Sobra rin ang pagiyak ni john. Nagmamatigas na si Roxanne kay John pero di nya nakayanan na makitang ganun si John. pinatawad nya eto, dun nya rin nakitan kung ganu kamahal xa ni John. [pinaliwanag ni john kung bakit nya eto nagawa kay Roxanne. Maxado ng nalunod sa sobrang pamamahal ni Roxanne at binaliwa nya eto. Nag take advantage rin xa kay Roxanne na lam nya kung ganun xa kamahal na di xa iiwan. Pero nagkamali xa at pinagsisishan nya lahat.] naging okie na ang lahat sakanila. Mas minahal ni Roxanne si John. Madami na rin silang balak for the future at wala ng away.
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

====the ring===== Empty Re: ====the ring=====

Post by _-=[xxxshinxxx]=-_ Sun Oct 11, 2009 7:00 pm

5years ang lumipas. Lagi na lng nahihilo si Roxanne at mahina ang katawa. Binaliwala lang nya ang nararamdaman nya. Dahil lang daw siguro sa sobrang pagod sa trabaho. Isang cashier at costumer service si Roxanne sa department store. Dahil sa nararamdaman ni Roxanne pinag resign xa ng parents nya. at nag katrabaho narin si John. Pakatapos ng work ni John laging pumupunta si John sa bahay ni Roxanne. Balak na rin nilang magpakasal next 2 years. Magiipon pa sila. Nakakita si John ng wedding ring sa store balak nya etong bilhin kaya lang kulang pa ung pera nya. Kaya pag pumupunta sila ni Roxanne sa mall lagi nilang dinadaanan ung store para lang tignan ung ring. Ilang buwan din ang lumipas, mas naging busy si John sa work at di na rin sila maxadong nakakapag usap sa phone. Pag off namn si John nagbabasketball kasama barkada. Tapos paggustong makipagkita ni Roxanne madaming excuses si John na busy xa at kung anu anu pa. sunod sunod na rin ang pagaaway nila. Inakala ni Roxanne magiging okie rin ang lahat. Tapos tinawagan xa ni John magkita daw sila may importanting sasabihin eto pumayad si Roxanne dahil my gusto rin etong ibigay kay John. Madaming problemang hinaharap ni Roxanne at maslalong lumala sakit ni Roxanne. Kahit ayaw mapacheck up ni Roxanne sa doctor wala xang magawa. Kaya napacheck up xa. Mga ilang lingo malalaman ung result. Nagkita sila sa isang restaurant nagusap usap sila at naglolokuhan na parang walang probelma. Ng naging seryoso na sila, nagtuturuan sila kung sino ang mauunang masalita. hanggang sa nasalita na si John. Walang paligoy ligoy, nakikipag break na xa kay Roxanne. Nabigla si Roxanne di nakapagsalita at biglang napaiyak. Di na Sinabi ni John kung anung rason nya kaya xa nakikipag break up. Tinanung na lng ni John kung anung sasabihin sa sakanya ni Roxanne. Dapat may ibibigay si Roxanne kay John pero di nya nabigay dahil wala na ring halaga nun at ang nasabi na lng nya na pinayagan na xa na mag work. Sobrang nasaktan si Roxanne sa break up nila at di nya nakayanan. Bigla na lng xa sinugod sa hospital dahil di na makatayo. At lumabas na rin ung result ng check up nya. Malaman nyang may cancer xa. Sobra xa nasasaktan sa nangyayari sa kanya. Nagpakemo xa pero bumalik rin ung cancer nya. binigyan na xa ng taning na di na xa magtatagal. Ilang buwan na rin ang lumipas at nag decide si Roxanne na gusto nya bago xa mamatay makasama nya si John. Pumayag namn parents nya pero dapat kasama nya si Jade sabi ng parents nya pinsan nya. Pumayad si Roxanne. Pagkatapos tinawagan nya si Ken humingi ng favor nung una di pumayad barkada nya kasi si John. Pero pumagad din nung nalaman nyang kung bakit nya ginagawa nga lahat na ung. Di parin kasi nakakamove on si Roxanne. Kaya lahat ng lakad ni Ken kasama si Roxanne at Jade. Ang aLam nila syota ni Ken si Jade. Andun rin si John kasama nya bagong girlfriend nya. Nalaman rin ni Roxanne ung rason kung bakit nakipaghiwalay xa, dahil nga sa babaeng kasama nya. Every 4hours umiinum ng napakagaming gamot si Roxanne, para di xa manghina. Sa gamot na lng kumukuha ng lakas si Roxanne. Tinitiis nya lang lahat ng sakit makasama lang nya si John. Kung saan saan sila nagpupunta minsan wala ng tulog si Roxanne. Naaawa na si Ken at Jade kay Roxanne. Nararamdaman nila kasi lahat ng sakit at sakrepisyo nya makasama lang si John kahit Makita lang nya eto. Birthday ni James boung barkada andun. Pati si Roxanne andun rin. For the first time di kasama ni John si Joan girlfriend nya busy kasi. Nagiinuman sila pati si Roxanne nakikiinum rin. Pero pinagbawalan ni Jade at Ken na painumin xa. Nagtanung sila kung bakit di na lang sila sumagot. Tapos lumapit si John kay Roxanne nangungumusta. Nakita ni John na dumudugo ilong ni Roxanne sinabi ni John kay Roxanne. Tapos nilapitan ni John si Jade Sinabi nya kung anung nangyayari kay Roxanne. Nagmadali si Jade na puntahan si Roxanne sabi naman ni Jade kay john Kumuha xa ng tubig. Nagmadali namn si John na kumuha ng tubig. Nag alalal ng sobra si John kay Roxanne. [kahit wala na sila mahal na parin nya si Roxanne] binigay ni John kay Jade ung tubig. Pinainum ninya si Roxanne mahining mahina na si Roxanne kaya si Jade na ang napapainum ng mga gamot. nag taka si John kung bakit maxadong madaring gamot ang iniinum ni Roxanne. Di nakasagot si Jade.dumati si Ken sabi na lng ni Ken para di xa manghina. Kahit ganun sinabi ni Ken di parin naniwala si John di kasi xa ganun nung sila. Napansin rin nya un na every 4hours umiinum xa ng mga gamot nya. Nung gabing ung di na talaga kaya ni Roxanne kaya pinatulog na lng nila dun. Wala pa kasing tulog. kinausap ni Jade si Ken boyfriend nya. kailangan na talagang magstay na lang si Roxanne sa hospital dahil di na kaya na katawan nya. Halos lahat na sila nagalala kay Roxanne iba na kasi xa di na makahinga at nag susuka. Wala ng nagawa si Jade at Ken Sinabi na nila lahat. Na una ng mag explain si Jade. Di xa talagang pinsan ni Roxanne nurse xa ni Roxanne. Pati si Roxanne di nya alam.
(JADE) “ dapat sa hospital na lng xa nag iistay kaya lang di xa pumayag. Nag makaawa xa sa parents nya na gusto nya spend na lang nya ung naiiwan nyang mga araw na makasama at Makita man lang si John. Sobra kasi nyang mahal. Sobra sobra xang nagtiis , binaliwa nya lahat ng sakit. Ginawa lahat ng paraan mapalapit lang xa kay John. Ramdam ko lahat ng sakit at hirap ni Roxanne. At sobra xang nasasaktan na nakikita nya si John kasama si Joan na magkasama at Masaya habang xa andun nakatingin lang. wala xang ibang bukang bibig kundi pangalan ni John. Di xa pwedeng mag puyat pero laging mapupuyat kasi nga gustong makasama si John. Di na magtatagal buhay nya. Pwedeng bukas, next day, week or month patay na xa. May cancer xa nag pakemo na xa pero bumalik rin ung cancer napagod na rin xang mapa kemo at sabi ng doctor nya wala ng lunas sakit nya at may taning na xa. Nung nalaman nya lahat ng eto sobra xang nasaktan. Ilang araw lang nung makipag break si John nalaman nya un‘”.
(KEN) “totoo lahat ng ung. Tinawagan ako ni Roxanne isang gabi humihingi xa ng favor na ung nga, mapalapit kay John, at first di ako pumayag pero nung nalaman ko lahat about her naawa ako at ninulonga ko xa. Na pag may lakad na kasama si John sinasama ko xa, atleast kahit papanu napapasaya ko xa. Kaya di namn pinapaalam lahat na kanino eto dahil ayaw nyang kaawaan xa, na ang gusto nga ituring xa pareho nung dati. Maxado ng mahina katawan ni Roxanne kaya eto na ang huling lakad nya. Simula bukas sa hospital na lang xa, sobrang na kasi ang paghihirap nya”.
Lahat sila naawa kay Roxanne. Napahanga sa sobra nyang pagmamahal kay john. Habang si John di parin pakapaniwala sa lahat.
Sa hospital, andun family ni Roxanne, nadun srin si Jade at si Ken. Binabantayan nila si Roxanne. Na anytime baka mawala na xa. Di na talaga kaya ng katawan nya. Kaya lang parang may hinihintay xa kaya nilalabanan nya ung sakit nya. Dumalaw mga barkada nya sa kanya. Pinasasaya sa niloloko. Pati na rin barkada nila Ken dumalaw rin napamahal narin kasi sila kay Roxanne. Si John na lng ang di dumadalaw. Tonawanda ni Ken si John alam naman nila na hinihintay ni Roxanne na dalawin xa ni John. Nahihiya si John na margarita sa family ni Roxanne. Nasabi na lang ni Ken huwag mu silang isipin do this for her. Alam naman natin kung ganun ka nya kamahal at hinihintay na na nya kahit di nya sabihin samin. The nest day pumunta dun si John sa hospital para bisitahin si Roxanne. Nung dumating si John nakita nila ung sayang naramdama nya. Nilapitan ni John si Roxanne. Nag usap usap sila. Hanggang sa pinakuha nya ung bag nya kay John. Kinuha namn ni john ung bag. May pinahuha xa sa loob ng bag. Isang jewelry case. Binigay ni John ung Jewelry case kay Roxanne. Sabi nya kay John.
(ROXANNE) “Naaalala mo pa ba ung araw na nakipag break up ka sakin. Ang Sinabi ko sayo pinayagan na ako ng parents ko na mag work ako. Pero ang totoo dapat may ibibigay ako sayo.” Binigay ni Roxanne ung jewelry case kay John at pinapabuksan nya eto. Nung binuksan nya nakita nya ung ring na gusto nyang bilhin.
(ROXANNE) “Yan dapat ung ibibigay ko sayo. Di ko nabigay dahil nga wala lng silbi kasi kakipag break ka na sakin. Para sayo yan. Pinagipunan ko yan para sayo. Kasi every time na pumupunta tayo sa mall lage mong tinitignan. Gusto mo xang bilihin kaya lang wala kang pera. Kaya naisip kung bilhin xa. Gusto ko kahit wala na tayo itago mo eto as a symbol ng pagmamahal ko sayo.”
Habang sinasabi ni Roxanne lahat ng ung umiiyak si John. Dun nya Narmada kung ganun xa kamahal ni Roxanne. At wala xang ibang nagawa sa kanya kundi saktan lang. dahan dahan na rin humihina tibok ng puso ni Roxanne. nag sorry si John sa lahat ng nagawa nya. Sabi na lng ni Roxanne di mo kailangan mag sorry. Tinanggal ni John ung dalawang ring ung isa sinout na at ung isa inusout nya kay Roxanne. Habang sinusout nya ito kay Roxanne kay sinasabi xa kay Roxanne
(JOHN) “Pinapangako ko sayo hinding hindi ko tatanggalin ang ring na eto. Iingatan ko tulad ng pag iingat mo sakin. At ito ang alala na minsan may isang Roxanne na sobrang nagmahal sakin.”
Napaluha si Roxanne sa mga Sinabi ni John sa kanya. At dahan dahan ng nalagotan ng hininga si Roxanne. Maslalong umiyak si John at lumapit na rin lahat ng andun umiiyak.
_-=[xxxshinxxx]=-_
_-=[xxxshinxxx]=-_
A.D.M.I.N.I.S.T.R.A.T.O.R

Posts : 208
Join date : 2009-10-04

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum